Lathalain

Balik-tanaw sa Mendiola massacre

Binalikan ng mga magsasaka ang lugar ng pamamaslang sa 13 nilang kasamahan, 24 na taon na ang nakararaan. Tatlong presidente na ang nagdaan, pero wala pa ring hustisya sa kanila. Naiinip na ang mga magsasaka.

OFW, apektado rin ng taas-pasahe sa MRT, LRT

Apektado rin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW)  sa nakaambang pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT, na tinatayang makakadagdag ng 20 porsiyento sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang mga pamilya. Ito ang inihayag ng grupong Migrante International, na sumanib sa lumalawak na oposisyong publiko laban sa taas-pasahe na itinutulak ng gobyernong Aquino. Sa komputasyon […]

10 taon matapos EDSA 2: Bakit kailangan pa rin nating gunitain

Ilang alaala ng militanteng lider sa EDSA Dos -- sampung taon na ang nakararaan ngayong linggo. Inipaliliwanag din niya kung bakit hindi nasayang ang pag-aalsa ng mga mamamayan noong Enero 2001, at bakit mahalaga pa ito sa susunod na mga pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Pagpapadala ng OFW

Isang migranteng Pilipino sa Dubai, UAE ang nagpapadala ng perang pinaghirapan niya para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Taun-taon, sinasabi ng gobyerno na remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero tanong ng OFWs, ano ang ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang buhay nila? (Kuha ni Ross Pivena sa Dubai, UAE)

10 istoryang pinalampas ng midya noong 2010

Mula sa makatarungang hiling ng mga manggagawa't magsasaka hanggang sa tila may-pagkiling na pag-uulat sa halalan, malaking kawalan sa publiko ang hindi masyado pagpansin ng komersiyal na midya sa mga istoryang ito.

Natatanging Progresibo ng 2010

Tulad noong nakaraang taon, nagbuo ang istap ng Pinoy Weekly ng lista ng mga personahe, grupo at kaganapan na lumikha ng malaking ingay at impluwensiya para sa progresibong pagbabago noong taong 2010.

Magandang tanawin, libreng ligo

Kahit malamig ang panahon, masaya pa ring maligo sa dagat ang mga binatilyong ito. Bagong pasyalan sa Legazpi City ang sinementong daan sa tabing-dagat na dating komunidad ng mga mangingisda mapalit sa komersiyal na istrukturang Embarcadero. Tanaw ang bulkang Mayon, libre pang mamasyal at maligo ang dating mga residente rito. Pero balak daw ng mga debeloper na magtayo ng mga komersiyal pang istruktura sa lugar -- kabilang ang casino. (Kuha ni KR Guda sa Legazpi City)