Sa marahas na demolisyon sa San Juan: ‘Giyera vs maralita’ ni Aquino, pinuna
Pinakahuli sa serye ng mga atake ng gobyernong Aquino sa karapatan ng mga maralita ang marahas na demolisyon sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City noong Enero 25, 2011. Sa harap nito, patuloy na naninindigan para sa kanilang karapatan ang mga maralita.