Lathalain

Hinaharap ng karapatang pantao sa ilalim ni PNoy

Unang araw pa lamang ng Disyembre at unang araw ng paggunita ng Human Rights Week. Marahas nang binuwag ng kapulisan ang protesta ng mga drayber ng kuliglig sa Maynila. Sa kabila ng pandaigdigang panawagan na palayain ang Morong 43, nanatili silang nakapiit. Sumisigaw na katarungan ng mga taga-Hacienda Luisita at iba pang biktima ng nagdaang rehimen. May katarungan ba sa “daang matuwid?”

Kailan lalaya ang kababaihan sa pang-aabuso?

Nakakagimbal ang mga balitang lumalabas sa midya hinggil sa pang-aabusong seksuwal sa kababaihan at mga bata. Ilan sa mga biktima ay pinatay o tinangkang patayin matapos halayin. Tulad ni Florence, boluntir nars na diumano’y pinatulungang gahasain sa Maguindanao, at iba pang biktima ng seksuwal na pang-aabuso.

Kuliglig

Himutok at pagkondena ng isang progresibong propesor sa Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa marahas na pagdispers sa mga nagprotestang drayber at operators ng "kuliglig" sa Manila City Hall noong Disyembre 1.

Para may pambaon

Masigasg siyang nagtitinda ng daing sa palengke ng Rosario, La Union sa umaga para may maibabaon at pamasahe sa pagpasok sa eskuwela sa hapon. (Soliman A. Santos)

Dagdag-sahod, laban ng sambayanan

Ipinamamalas ng sobrang babang sahod ng mga manggagawa ang tindi ng pambubusabos sa kanila ng mga kapitalista sa lipunang Pilipino. Kaya naman, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM na kailangang magkaisa ang iba't ibang inaaping sektor para ilaban ang dagdag-sahod.

Mandatory insurance ng OFW, pag-uusapan

Makikipagpulong si Sek. Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) kay bise-presidente at presidential adviser on OFW concerns na si Jejomar Binay para pag-usapan ang posibleng pagresolba ng isyu hinggil sa mandatory insurance para sa mga overseas Filipino worker (OFW). Sa nasabing pulong na gaganapin sa darating na linggo, inaasahan na ihahayag ni […]

Welga ng kabataan para sa kinabukasan

Inilunsad ngayong linggo ang welga ng kabataang estudyante, pati guro, kawani sa pamantasan, at maging mga miyembro ng administrasyon. Ang layunin: Para tutulan ang pagkaltas sa pondo ng pambansang gobyerno na inilalaan para sa pampublikong mga pamantasan at kolehiyo.

Kailangan pa nga ba ni Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?

Isang pinsala sa orbital bone ang natamong pinsala ni Antonio Margarito sa pakikipagharap niya kay Manny Pacquiao nitong nakaraan lamang. Matapos ang 12 rounds, hindi umubra ang mas mataas na timbang at di-hamak na bentahe sa taas at haba ng abot ng suntok ng Mehikanong si Margarito sa tinaguriang Pambansang kamao ng Pilipinas. Namaga ang […]