Tula | Di Tayo Mandarambong Ng Pondo Ng Bayan
di tayo mandarambong ng pondo ng bayan / di tayo namili o nagpalimos ng kapangyarihan / sikmura ma'y malimit na kumakalam / di natin nilulunok ang dignidad / o nginangasab ang kahihiyan / mga anino tayong naglalamay sa karimlan