Opinyon

‘Inception’ at kontrol ng panaginip

Matapos ng halos isang buwan, saka ko lamang napanood ang Inception (2010), ang sci-fi na pelikula ni Christopher Nolan at pinagbidahan ni Leonardo Dicaprio. Boxoffice hit ang pelikula ng ilang linggo, at lahat ng kakilala ko ay pinupuri ang pelikula. Ito ang pressure sa panonood ng pelikula. Kailangang mapanood nang kabilang sa usap-usapan hinggil sa pelikula. Kundi, outsider ang turing, loser at di hip.

Sine Sigwa

Ilalatag ko ang baraha ko: Ang totoo, mas malinaw at mas kagyat ang pagkagustong naramdaman ko matapos mapanood ang pelikulang Dukot kaysa matapos mapanood ang pelikulang Sigwa. Hindi maiiwasan ang maghambing, sa tingin ko, dahil pareho silang gawa ng tambalang Joel Lamangan sa direksyon at Bonifacio Ilagan sa panulat, progresibo ang paksa at tema, at nagsangkot ng mga artista sa pelikulang mainstream.

Haciendero sa toreng garing

Makailang ulit na akong napadaan sa Hacienda Luisita mula sa bagong superhighway. At totoo namang nakakasindak na ang hacienda ay kinabibilangan ng mall, golf course, special economic zone, mamahaling subdibisyon, at libo-libong hektarya ng tubuhan at asukarera.

Kapag ayaw ng manggagawa

Hindi na bago sa inyo ang kuwento ng isang kompanyang gusto nang tapusin ang panunungkulan ng kanyang mga empleyado. Marami na tayong tinalakay na kontrobersiya kaugnay nang pagtanggal ng kompanya ng mga manggagawa. Ngunit maaaring bago sa inyo ang kuwento ng isang manggagawa na gusto nang umalis sa kompanya ngunit ayaw pa ring bitawan ng kompanya. Ito ang nangyari sa nakaraang kontrobersiya kaugnay ng malawakang pagbitiw ng mga piloto ng Philippine Airlines (PAL).

Suweldo, guro at gobyerno

May malaking bentahe sa pagtatrabaho sa gobyerno. Ayaw mong maniwala? Lumalabas sa datos ng Commisson on Audit (COA) na may ilang pinagpalang kumita nang milyon-milyon. Noong 2009, halimbawa, ang sahod raw si Armand Arreza, administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ay umabot ng P26.9 milyon. Kung totoo ang datos ng COA, lumalabas na siya ang may pinakamataas na suweldo sa pamahalaan noong 2009.

Hacienda Luisita Generation

Hindi mawawala ang mga salitang 'Hacienda Luisita' sa bokabyularyo ng mga kabataang naging aktibista nung mga taong 2004 at 2005. Marami ang naluha nung unang ipalabas ang raw footage ng naganap na masaker sa mga paaralan at komunidad. Marami ang nakaranas ng unang rali nila sa isang Lakbayan ng mga magbubukid ng Luisita. Marami rin ang sumama sa mga bisita sa nasabing asyenda para alamin ang kalagayan doon.

Hindi sertipikasyon ang mapagpasya

Kapag ang kontratista o agency ba sa isang pagawaan ay may sertipikasyon na galing sa Department of Labor and Employment (DOLE), legal na ba ang kontratistang ito? Hindi na ba maaring kuwestiyunin ang kanyang pangunguntrata kesyo nabigyan na ng lisensiya ng DOLE?

Sityo Buntog

Pinagtaksilan ang Sityo Buntog sa Laguna. Ito ang mismong banggit ng lider, si Tita Iya,ng magsasakang may piket sa tapat ng basketball court, sa bukana ng sityo. Sa katunayan, wala namang gumagamit sa court, na ngayon ay pinagkakalatan ng dumi ng kambing at baka. Parang alkansya ang mga ito, ginagamit lang kapag kailangan ng pambayad sa placement fee sa aalis na kamag-anak, o may malubhang nagkasakit sa pamilya.

Eraserheads, Final Farewell

Pagkatapos ng SONA ng 2010 ay dumalaw kami sa isang bar ng mga kaibigang Ela at Nardy. Dito ko unang nakita ang DVD ng final concert ng Eraserheads. At naiyak ako dahil ang banda ng henerasyon ko ay hindi ko kasabayang tumanda. Kinatandaan ko na. At malinaw na iba na ang landas na tinahak at tinuldukan ng kanilang final concert.