Opinyon

Warrantless arrest

PINAG-UUSAPAN ngayon ang pagkamatay ng asawa ng tanyag na brodkaster na si Ted Failon. Ngunit mas pinag-uusapan ang isinagawa ng pulisyang imbestigasyon sa pangyayari at ang naging resulta nito. Marami ang nagtaas ng kilay nang biglang arestuhin ng pulisya ng walang warrant of arrest si Ted Failon, ang drayber at mga kasambahay ng pamilya, ang […]

Mga bawal sa panahon ng Semana Santa

DAHIL lumaki ako sa pamilyang Katoliko, nakagisnan ko ang napakaraming seremonyang may kaugnayan diumano sa pagpapaunlad ng pananalig sa diyos. Tulad ng maraming bata, parati kong masaya tuwing Pasko at malungkot tuwing Semana Santa. Kung anong ingay ang selebrasyon sa pagkapanganak ni Kristo ay siya namang nakabibinging katahimikan sa komemorasyon ng kanyang pagkamatay. Ang ngiti […]

Pangingilin

Kabilin-bilinan ng matatanda kapag Semana Santa, “mangilin.” Ibig sabihin, huwag magkikilos, magnilay-nilay, makiisa sa pagkamatay ni Hesus, at ng kanyang muling pagkabuhay. Sa maraming hindi nakapagbakasyon, katumbas nito ang pagtunganga. Sa maraming walang cable, ang panonood ng mga misa, retreat, at maging komersiyal na pelikula at melodrama sa telebisyon na pinalulusot bilang “makabuluhan” sa panahon […]

Sister Stella L@25, tuloy ang laban!

Halaw ang titulo sa mismong imbitasyon ng grupo ng MA class sa UP Film Institute na nag-organisa ng pagdiriwang. Taong 1984 nang unang ipalabas ang obrang pelikula ng direktor na si Mike De Leon. Nilangaw ito sa takilya, na patuloy na ikinakadismaya ng producer nito, si Lily Monteverde aka Mother Lily. Pero sa pagtitipon nitong […]

Imposible, lalo ngayon

Haharangin at haharangin ang Charter Change (Cha-cha) hangga’t malinaw na pakulo ito para pahabain ang termino ni Pangulong Arroyo at lalong pagharian ng dayuhang mga mandarambong ang ating bansa.

Dayuhang korporasyon at pangangamkam ng lupa sa Cagayan Valley

LUMALALA, imbes na nalulutas sana, ang pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka sa Cagayan Valley (CV). Dati, mga lokal na panginoong maylupa at malalaking pulitiko sa bansa ang nakapangamkam ng lupa. Ngayon, malalaking burgesya komprador at dayuhang korporasyon ang dagdag na kumubabaw sa mga magsasaka. I.                    Dayuhang korporasyon Nestle Corporation Nagpapatanim ng kapeng Robusta ang […]

Si Arroyo at ang kanyang mga guwardiyang berdugo

HINDI nakapagtataka kung bakit tinutulan ng marami ang pagtalaga ni Pangulong Arroyo sa kontrobersiyal na retiradong mga heneral sa burukrasya. Isang bukas na lihim kung bakit sa kabila ng matitinding kritisismo sa pagtalaga niya – pinakahuli sina Ret. Vice Admiral Tirso Danga sa National Printing Office, dating AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang hepe […]

Pagdakip at Pagpapahirap sa Akin

HAYAAN muna ninyong pasalamatan ko ang Karapatan-Ilocos at Dinteg sa Baguio City sa suporta nila sa kaso kong rebelyon sa Condon City. Na-dismiss ang kaso ko doon noong ika-22 ng Oktubre 2008. Sa katunayan, nagulat akong nalaman na may kaso ako sa Condon City – Hindi pa nga ako nakatuntong ng Ilocos bago ang arraignment. […]

Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan

SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus. Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip […]

Para sa estudyanteng nakikibaka

Hindi ito sermon mula sa nakatatanda kundi isang munting paalala. Alam mo na ang iskedyul ng mga kilos-protesta mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng semestre ngayong Marso. Malamang na magpapatuloy pa ang mga ito hangga’t ang Pangulo ay hindi pa bumababa sa puwesto. Inaasahan kang makiisa sa mga ito para ipakita sa mga nasa kapangyarihan […]