Opinyon

Hanggang katapusan ng proyekto lamang

Mahalaga sa mga manggagawa na malaman ang konsepto ng “project employee.” May mga pagkakataon kasi na ang isang manggagawa ay tinatanggal ng manedsment sa kanyang trabaho dahil umano siya ay “project employee” at tapos na ang proyekto kung saan siya kinuha. Ito ang nangyari kay Rene sa kasong “ Alcatel Philippines vs. Rene Relos “ […]

Susan Fernandez

Nakilala ko si Susan Fernandez sa mga cassette na album niya na laging nagkalat sa kwarto ng nanay ko noong bata pa ako. Madalas patugtugin ng nanay ko ang mga tape niya ng malakas kapag linggo ng umaga. Nang tanungin ko kung sino ‘yun, sabi niya magaling na mang-aawit daw. Kaya tumatak sa akin ang […]

Cha-Cha at pagbebenta ng lupa

Maraming sabik na baguhin ang Saligang Batas para iba't ibang dahilan. May ilang nais ipagbili sa dayuhan ang malaking bahagi ng lupain ng bansa para isulong ang sariling interes.

Toxic

Si Raul Gonzalez, kampeon ni Gloria Arroyo. Binabalandra ang sariling kabalbalan para akuin ang puntirya kay Arroyo. Sa taon-taong pagtatanggol sa di naman katanggol-tanggol, nagprodyus ang katawan ng toxins. Pinatay ang kidney. Hindi man lang tuminag. Naghanap ng ka-match hindi mula sa pamilya kundi sa kanyang household. Ang driver ang nagboluntaryong ialay ang isang kidney […]

Nagbitiw sa kompanya: may separation pay bang makukuha?

Ang isang empleyado bang nagbitiw sa kanyang trabaho ay may makukuhang benepisyo mula sa kompanya? Ang bagay na ito ay madalas itanong sa atin. Mabuti na lamang at sa kasong “J” Corporation vs. Cesar Taran (G.R. No. 163924; June 18, 2009) ay muling tinalakay ng Korte Suprema ang isyung ito. Empleyado si Cesar ng isang […]

Bakit mahirap nang paniwalaan si PGMA?

Lahat na lang, pinagdududahan. Bawat kilos, sinusubaybayan. Mahirap talagang maging Gloria Macapagal-Arroyo. Kahit na siya ang Pangulo, alam niyang marami nang hindi naniniwala sa kanya. Sa isang survey ng Social Weather Stations para sa unang tatlong buwan ng 2009, 43 porsiyento ng mga tinanong ay nagsabing hindi sila naniniwalang tapat si Arroyo “sa kanyang balak […]

Awtomatik ‘yan

Kung may matututunan sa nangyaring gusot sa COMELEC nitong nakaraang linggo, ito ay ang katotohanang hindi talaga pwedeng maging kampante lang ang bayan sa ibinabanderang automated na halalan. Tila nagbigay ang awayan ng SmartMatic at TIM ng sneak preview sa mga eksenang posibleng bumulaga sa bayan sa eleksyon sa o bago nito May 2010. Mahalagang […]

Demonyong sumisipi sa Bibliya

Sa kabila ng mga pasaring, ng mga parinig, ng mga kuru-kuro, ng nakakakiliting mga suhestiyon – tahimik pa rin si Gloria Arroyo. Tahimik siya sa plano niya sa eleksiyong 2010. Pero higit sa mga pahayag, mas diretsong magsalita ang kanyang mga kilos.

Panonood ng video conference

Sa aking pag-alaala, ngayon pa lang ako nakatunghay sa bagong anyo ng protesta. Ito ang video conference sa internet – ang press conference ni Melissa Roxas, ang Filipina Amerikanang in-abduct kasama ng dalawa pang katao, kinulong, tinortyur, pinagbintangan na siya si Maita, taga-Canada, at pinakawalan. Heto ang link sa Arkibong Bayan: http://www.arkibongbayan.org/2009/2009-06-June28-melissaroxaspresscon/melissapresscon.htm#video. Emosyonal ang pagbasa […]