Headquarters of the International Criminal Court in The Hague, Netherlands

May araw din ng paghuhukom

March 24, 2023

Sa kabila ng kawalan ng kooperasyon ng kasalukuyang rehimen sa imbestigasyon nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ICC ng mga pamilya ng mga biktima ng giyera kontra-droga. Patuloy din silang sinusuportahan ng iba’t ibang grupo na makamit ang katarungan para sa mga mahal sa buhay na walang awang pinatay.

Protestor holds placard that says "no to jeepney phaseout"

Makatarungang pagbabago para sa mga jeepney driver

March 23, 2023

Lumitaw na naman ang mga problemang kaakibat ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil sa nakaraang welga ng mga jeepney driver. Ilan sa mga problema ang kakulangan ng suportang pinansyal para sa mga tsuper na maaapektuhan ng programa at ang hindi accessible na pampublikong transportasyon dahil sa mga prangkisa at fleet management.

Laban, babae!

March 6, 2023

Sa paggunita ngayong taon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis sa Pilipinas, tuloy-tuloy ang kampanya sa hanapbuhay at nakabubuhay na sahod kasabay ng panawagan laban sa diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan.

Sosyalistang pinagmulan ng Araw ng Kababaihan

March 6, 2023

Malinaw ang mga sinabi ni Clara Zetkin hinggil sa burgis na peminismo at paglaya ng kababaihan sa kanyang talumpati noong 1889: “Walang inaasahan ang kababaihang uring anakpawis para sa kanyang paglaya mula sa burges na peminismong nakikibaka umano para sa karapatan ng kababaihan. Ang edipisyong iyon ay nakatuntong sa buhangin at walang tunay na batayan. Kumbinsido ang mga kababaihang uring anakpawis na ang paglaya ng kababaihan ay hindi mahihiwalay, kundi bahagi ng kabuuang usaping panlipunan. Malinaw sa kanilang hindi ganap na malulutas ang usaping ito sa kasaluyang lipunan kundi matapos lamang ang kumpletong pagbabago ng lipunan.” 

Market

Walang awat, walang patid

February 27, 2023

Hindi magdudulot ng pagtaas ng presyo ang pagbibigay ng makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa kung kukunin ito ng malalaking negosyante sa kanilang tubo.

Masungi Georeserve

Pakikibaka para sa Masungi

February 27, 2023

Hindi pa tapos ang laban ng Masungi. Kamakailan, mayroon na namang lumitaw na gustong gamitin ang georeserve. Noong ika-17 ng Pebrero, sinabi ni General Gregorio Catapang, Bureau of Corrections (BuCor) acting Director, na gagamitin ang Masungi para sa bago nilang headquarters.

Husgahan natin

Pagreretiro sa trabaho

February 21, 2023

Maaaring magamit ng mga manggagawa o empleyado ng isang kompanya ang opsyonal o ‘di sapilitang pagreretiro kung umabot na siya sa edad 60 taon at nakapagsilbi na sa kompanya nang hindi bababa sa limang taon. 

Dr. Naty Castro

Hindi terorismo ang pag-aaruga

February 16, 2023

Paano magiging terorista ang isang health care worker at human rights defender kung tinatawag sila ng mga identidad na ito napagsilbihan ang masa? Bakit tinatawag ng estado na terorista ang isang doktor na nagbibigay atensyon sa mga nasa laylayan?

Mga kasunduang makaisang-panig

February 15, 2023

Ginagamit ng mga defense department ng Estados Unidos at Pilipinas ang banta ng panghihimasok ng Tsina sa West Philippine Sea upang paigtingin ang pagpopostura ng militar ng US sa Pilipinas at Asya-Pasipiko.