Opinyon

Ang rebolusyon ay hindi startup

Noon pa man, anumang katangian, gaano man nagpapakita ng kahusayan at diskarte, kung baog sa ideolohiyang naglilingkod sa kapakanan ng masa at gagap ang kanilang kalagayan at kahilingan ay hahantong sa pansariling paglilingkod.

Simbahan ang pangalawang tahanan

Para sa akin, hindi lang ito bahay-dalanginan o lugar ng mga relihiyoso’t relihiyosa. Ito’y pangalawang tahanan na nagsilbi kong kanlungan ng halos 10 taon at humubog sa kalahati ng aking buhay.

Liham para sa kabataang Pilipino

Ang kabataang Pilipino, bilang tagapagmana ng rebolusyonaryong diwa ng Katipunan at ng paglaban sa pananakop ng mga Kastila, Amerikano’t Hapones, ay dapat tanggihan ang naratibo ng sarili nitong kawalan ng kapangyarihan.

Agawan ng eksena, parehong may sala

Harap-harapang nilalapastangan ng mga sigang ito ang demokrasya at karapatan natin. Nagbabalat-kayo na may pakialam sa batas, kaayusan at kapakanan ng mamamayan, pero sila rin naman ang mga salarin sa kaguluhan at pagdurusa ng mga ordinaryong Pilipino.

Para sa karapatan sa malayang pagbabalita

Muling magtitirik ng kandila at nananawagan ang midya, mga tanggol-karapatan at mga dumedepensa sa demokrasya: Itigil ang pag-atake sa mga mamamahayag, singilin ang hustisya para sa lahat ng biktima, at patuloy na ipaglaban ang malaya at mapagpalayang midya.

‘Negosyonibersidad’

Hindi ba’t dapat na pamilya ang trato sa matagal nang kasama? O baka naman hindi sila talaga itinuturing na kapamilya dahil hindi tunog-Gokongwei ang mga apelyido nila.

Usapin tungkol sa minimum wage

Nararapat na talaga na aprubahan ang minimum wage bill sa House of Representatives. Kahit papaano, magbibigay ito ng dagdag na purchasing power sa mahihirap nating mga kababayan at sapat na proteksiyon mula sa mga mapagsamantala.