Reclamation o Reklamasyon
Reclamation o reklamasyon – proseso ng paglikha ng bagong lupain sa pamamagitan ng pagtatambak ng lupa sa dagat.
Reclamation o reklamasyon – proseso ng paglikha ng bagong lupain sa pamamagitan ng pagtatambak ng lupa sa dagat.
Pagpaslang o Pagpatay – planado at sistematikong pagkitil na hindi dumaan sa proseso sa kabuuan o parte man lang, ng isang pangkat. Nangangahulugan din itong anihilasyon ng isang grupo ng tao o sistematiko at sinadyang pagpapapatay, paglipol o pagpuksa sa isang lipi, grupong pampulitika o kultura.
Minimum wage – pinakamababang sahod na binabayad o pinahihintulutang bayaran sa sinumang taong may trabaho sa pangkalahatan o sa isang partikular na kategorya ng mga taong may trabaho na itinakda ng ligal na awtoridad sa pamamagitan ng kontrata.
Leni supporters can take up new symbols of hope and join themselves to the mass of local organizations continuously fighting for change. The youth, farmers and fisherfolk, indigenous peoples and rural women, are fighting for their rights every day.
Sabwatan – pagtutulungan ng dalawa o higit pang katao upang gawin ang kadalasan na ang isang kriminal na aktibidad, masamang balak o lihim na plano, karaniwang labag ito sa batas.
Balikatan Exercise – taunang magkasamang pagsasanay ng mga puwersang militar ng Pilipinas at United States (US). Naging pundasyon ang mga pagsasanay ng relasyong militar ng Pilipinas at US mula nang isara ang mga base ng Amerika sa Pilipinas.
Bloody Sunday – serye ng mga operasyon ng Philippine National Police at Philippine Army sa Calabarzon noong Marso 7, 2021 na nagresulta sa pagpatay sa siyam na katao at pag-aresto sa anim na indibidwal. Mga lider manggagawa, mangingisda, aktibista, environmentalist at katutubo ang mga naging biktima, kabilang ang anim na nasawi sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite. Samantala, anim ang inaresto, tigtatlo […]
Dagdag-sahod - pagkaloob nang dagdag suweldo sa mga obrero? sa oras-oras o pagbabayad na batay sa pang-araw-araw na ibinibigay sa paggawa para sa dami ng trabaho na natapos sa loob ng isang araw.
Importasyon - produktong mula sa iba't ibang bansa na ipinapasok sa Pilipinas. Ngunit nagdudulot lamang ng mabagal ng takbo ng ekonomiya ng bansa ang sobra-sobrang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.
Transport Strike (tigil-pasada) - sama-sama na pagtigil ng mga taong may trabaho sa pampublikong transportasyon at itinalaga bilang isang sukatan ng protesta upang kamtin ang isang hanay ng mga kahilingan.