Talasalitaan

Tala-Salitaan 0703 | Sabwatan

Sabwatan – pagtutulungan ng dalawa o higit pang katao upang gawin ang kadalasan na ang isang kriminal na aktibidad, masamang balak o lihim na plano, karaniwang labag ito sa batas.

Tala-Salitaan 0522 | Balikatan Excercise

Balikatan Exercise – taunang magkasamang pagsasanay ng mga puwersang militar ng Pilipinas at United States (US).  Naging pundasyon ang mga pagsasanay ng relasyong militar ng Pilipinas at US mula nang isara ang mga base ng Amerika sa Pilipinas.

Tala-Salitaan 0419 | Bloody Sunday

Bloody Sunday – serye ng mga operasyon ng Philippine National Police at Philippine Army sa Calabarzon noong Marso 7, 2021 na nagresulta sa pagpatay sa siyam na katao at pag-aresto sa anim na indibidwal.  Mga lider manggagawa, mangingisda, aktibista, environmentalist at katutubo ang mga naging biktima, kabilang ang anim na nasawi sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite. Samantala, anim ang inaresto, tigtatlo […]

Tala-Salitaan 0329 | Dagdag-sahod

Dagdag-sahod - pagkaloob nang dagdag suweldo sa mga obrero? sa oras-oras o pagbabayad na batay sa pang-araw-araw na ibinibigay sa paggawa para sa dami ng trabaho na natapos sa loob ng isang araw.

Talasalitaan 0315 | Importasyon

Importasyon - produktong mula sa iba't ibang bansa na ipinapasok sa Pilipinas. Ngunit nagdudulot lamang ng mabagal ng takbo ng ekonomiya ng bansa ang sobra-sobrang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.

Talasalitaan 0308 | Transport Strike

Transport Strike (tigil-pasada) - sama-sama na pagtigil ng mga taong may trabaho sa pampublikong transportasyon at itinalaga bilang isang sukatan ng protesta upang kamtin ang isang hanay ng mga kahilingan.

Talasalitaan 0301 | Smuggling

Smuggling – ang iligal na pagpupuslit ng mga kalakal o pag-aangkat ng mga ipinagbabawal na bagay, sangkap, impormasyon o tao. Ang mga smuggler ay nag-iimport o nag-eexport (mga kalakal) nang lihim, sa paglabag sa batas, lalo na nang walang pagbabayad ng ligal na tungkulin.

TalaSalitaan 1010 | Pagbabanta

Pagbabanta - babala na may halong pananakot o paninindak sa buhay na ginagawa ng isang tao, ahente ng estado o opisyal ng gobyerno. Pagpapahayag din ito ng bantang panganib.

Talasalitaan 0912 | Dukha, Maralita o mahirap

Dukha, Maralita o mahirap – estado ng pamumuhay ng isang indibidwal na walang kakayahang mabili ang mga pangangailangan, hindi sapat o gipit ang salapi o sahod upang maipantustos at mabili ang mga pangangailangan.  Ang pagiging maralita o dukha, ito din ay isang matinding problemang kinakaharap ng maraming pamilya ang nagugutom at naghihirap sa ating bansa Pilipinas. Sa […]