Talasalitaan

Gross Domestic Product o GDP

Sinasalamin ng gross domestic product at nagbibigay ng indikasyon kung malusog at matatag ang paglago ng isang ekonomiya sa isang partikular na panahon.

Mangingisda o Mamamalakaya

Kung wala ang mga mangingisda, walang pagkain sa hapag kainan na ulam. Mahalaga ring uri na hanapbuhay dahil napapakain ang pamilya at ang buong mamamayan ng bansa. 

Guro at kawani

Paano magkakaroon ng kapayapaan kung ang guro at kawani ay walang umento sa kanilang suweldo? Paano magkakaroon ng kapayapaan kung hinaharas ka ng estado kasabwat ang mga pulis at sundalo?

Bungkalan

Binubuhay ng bungkalan ang diwa ng paninindigan at pagkakaisa sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay.

Wage Rationalization Act

Dahil sa batas na ito, magkakaiba ang minimum wage sa mga rehiyon sa Pilipinas at dapat maglabas ng wage increase order motu propio sa petisyon ng mga manggagawa ang mga regional wage board kahit man lang bawat taon.

Presyo ng bigas

Sa ngayon hirap pa rin maibaba ang presyo ng bigas sa bansa kahit na may mga bagong ani ng palay at may dagdag na bigas mula sa rice importation nitong Enero ngayon taon.

International Criminal Court

Itinatag ito noong 1998 sa pamamagitan ng Rome Statute, isang international treaty kung saan nakasaad ang mga layunin, mga patakaran at sakop ng korte.

Alliance of Health Workers

Nananatiling nangunguna sa pakikibaka ng mga manggagawang pangkalusugan para sa mga karapatang pang-ekonomiya at demokratiko gayundin ang karapatan ng mamamayan sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Away-politika

Ipinakikitang lantarang pagbabangayan ng mga pangkating Marcos, Arroyo at Duterte ang hindi na mapagkakasundong hidwaan sa pagitan ng naghaharing mga paksiyon.