Pinoy (Weekly) Espesyal na Isyu – Mayo 1, 2011
Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly para sa Araw ng Paggawa
Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly para sa Araw ng Paggawa
Inaasahang sampu-sampung libong mamamayan ang titipon sa Liwasan Bonifacio at magmamartsa patungong Mendiola ngayong Mayo 1 para muling irehistro sa publiko at sa pangulo: Sa harap ng pagiging "maka-kapitalista" ni Aquino, nagkakaisa ang mga manggagawa at mamamayan para sa makabuluhang dagdag-sahod at tunay na panlipunang pagbabago.
Naglunsad ng signature campaign ang Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) para makalikom ng isang milyong pirma na isusumite sa Kongreso bilang suporta sa pagsasabatas ng House Bill 374 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).
Binatikos ni Fidel Agcaoili, tagapangulo ng Human Rights Monitoring Committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa pagharang sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng “malisyosong antics” ni Etta Rosales, tagapangulo ng Commission on Human Rights.
Sa isang pagtitipon sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Abril 28, ginunita ng mga kaanak, tagasuporta at kaibigan ang pagdukot ng pinaghihinalaang mga elemento ng militar kay Jonas Burgos, agrikulturista, aktibista at anak ng yumaong makabayang mamamahayag na si Jose Burgos Jr. (Jo A. Santos)
Tatlong araw bago ang Araw ng Paggawa, sinugod ng mahigit 50 manggagawa ang opisina ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa Maynila, bahagi ng tinagurian nilang ‘National Day of Action’ laban sa Regional Wage Boards (RWBs). “Nagngangalit kami dahil nais ng administrasyong Aquino na ikahon sa RWBs ang mga deliberasyon para sa panawagan naming […]
Sa unang pagkakataon mula nang pumutok ang Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa, pinaplanong umusad at sumama ang mga manggagawa nito kasama ang Kabataan Partylist sa pagdiriwang ng International Labor Day sa Mayo Uno. Sa panawagan ni Kabataan Rep. Raymond Palatino sa isang press conference na ginawa sa College of Mass Communications sa UP Diliman […]
Umalma ang kababaihang grupo na Gabriela sa anunsiyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magpapatupad ito ng polisiya ng population control o pagkontrol sa populasyon para solusyunan ang kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Sa pagbubuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) para sa 2011-2016 ng administrasyong Aquino, lumalabas na kontrol […]
Naglunsad ng lightning rally ang rebolusyonaryong kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, isang underground na organisasyon, sa Maynila. Ipinagdiwang nila ang ika-38 taong anibersaryo ng National Democratic Front o NDF, isang rebolusyonaryong alyansa ng mga organisasyong nagsusulong ng "digmaang bayan" laban sa kasalukuyang sistemang pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa. (Boy Bagwis)
Ginulat ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU at Anakpawis Party-list ang mga pulis na nagbabantay sa Palasyo Malakanyang nang biglang makalapit sila sa Gate 7 para iprotesta ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa panukala ng mga militante para sa "makabuluhang dagdag-sahod" at pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at langis. (Alvin Joseph Tenedero)