Balita

P125 dagdag-sahod, suportado ni Sen. Manny Villar

Ikinatuwa ng Kilusang Mayo Uno ang pagbigay-suporta ni Sen. Manny Villar sa panawagan ng mga manggagawa para sa karagdagang makabuluhang sahod. Ayon sa KMU, ang bukas na pagsuporta ng senador ay dagdag sa hanay ng mga mambabatas na nagpapanawagan isabatas ang panukalang dagdag sahod na P125.

Kawani ng NHA nagprotesta vs pribatisasyon

Nag-walkout ang daan-daang kawani ng National Housing Authority kamakailan para iprotesta ang bantang pagsasapribado ng serbisyong pabahay, kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Boksing vs pagkaltas ng badyet sa edukasyon isinagawa ng NUSP

Nagsagawa ng pagkilos ang militanteng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila para iprotesta ang anila’y patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa pag-aaral sa harap ng malaking pagkaltas ng administrasyong Aquino sa badyet ng edukasyon.

P13.50 dagdag-sahod kakapiranggot – KMU

“Hindi makakaginhawa sa mga manggagawa ang P13.50 dagdag-sahod sa gitna ng patuloy na pagtaas ng batayang bilihin at serbisyo laluna ang langis," reaksiyon ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno sa pahayag ng Employers Confedeartion of the Philippines (ECOP) na P13.50 lamang ang kayang ibigay ng mga ito sa hiling na dagdag sahod ng mga manggagawa.