Balita

KMU hinamon si Noynoy sa debate hinggil sa dagdag-sahod

Hinamon ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III sa isang pampublikong debate hinggil sa panawagan ng mga manggagawa para sa “makabuluhang dagdag-sahod.”

Pandarambong sa likas-yaman nagpapatuloy kay P-Noy – Kalikasan

Suot ang mga makukulay na sombrero, daan-daang mga miyembro ng mga iba’t ibang grupong pangkilakasan ang nagmartsa sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue patungong Mendiola Bridge upang iprotesta ang kawalang-aksiyon ng administrasyong Aquino sa lumalalang pagkasira ng kalikasan sa bansa.

Dagdag-sahod makatwiran, posible – Ibon

Kaya magbigay ng sapat na dagdag-sahod ang mga employer sa Pilipinas kung tatanggapin lang nila ang kaltas sa kanilang malalaking tubo. Paliwanag ng Ibon Foundation, isang independiyenteng institusyon ng pananaliksik, malinaw na makikinabang ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa dagdag-sahod na kayang-kayang ibigay ng mga employer.

KMU: Dagdag-sahod ng RWB, P26 lang ang pinakamataas sa kasaysayan

Inihayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi ito makikipagkompromiso sa iginigiit na legislated na dagdag-sahod, kaya’t hindi magsasampa ng petisyon sa mga Regional Wage Board (RWB). Kahapon, inanunsiyo ng RWB sa Metro Manila na didinggin nito ang mga petisyon para sa dagdag-sahod. Ngunit ayon sa KMU, sa kasaysayan ay hindi pa lumalampas sa P26 ang […]

Magkasunod na sunog sa QC, hinihinalang nakakabit sa demolisyon

Pinaghihinalaan ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na may kinalaman sa napipintong demolisyon ang dalawang magkasunod na sunog sa Quezon City kahapon, na nagdulot ng pagkasugat ng ilang residente at pagkawala ng tahanan ng daan-daan. Sa isang piket sa kanto ng BIR Road at Quezon Ave., kinondena ng alyansa ang umano’y kahina-hinalang sunog sa BIR Road […]

Sunud-sunod na aksidente sa LRT, ‘nakakapagduda’

“Nakakapagduda” ang sunod-sunod na aksidente sa Light Rail Transit (LRT). Ito ang reaksiyon ng militanteng  grupo ng mga manggagawa sa serye  ng mga problema sa tren ng LRT kamakailan, na nagdulot ng panic at pagkasugat ng ilang pasahero. Ayon kay Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), maaaring gumagamit ng “maruming taktika” ang […]