Balita

‘Balikatan walang pakinabang sa sambayanan’

Walang pakinabang sa mga mamamayang Pilipino ang 27 ehersisyong militar na Balikatan sa pagitan ng armadong puwersa ng US at Pilipinas, ayon sa militanteng mga organisasyon. Puro kapahamakan lamang ang presensiya ng tropang US sa iba't ibang bahagi ng mundo. Kabilang na rito ang panghihimasok ng tropang Kano sa Libya, Afghanistan, Iraq at siyempre, Pilipinas.

Morong 43 nagsampa ng kaso vs GMA, iba pang opisyal ng militar

Dahil sa paglilingkod sa mga mahihirap, pinahirapan at di makatarungang kinulong sila mahigit limang buwan bago bumaba sa poder si Gloria Macapagal Arroyo. Ngayon, sila ang isa sa mga unang naghabla ng kasong sibil laban sa dating pangulo. Hangad nila: Katarungan, di lamang para sa kanila, kundi para sa lahat ng biktima ng karapatang pantao noong nagdaang rehimen.

Agarang pagpasa ng RH Bill para sa kababaihan hindi dahil sa suporta ng US

Hindi simpleng pagpaplano sa pamilya at pagkontrol sa populasyon ang layunin ng Reproductive Health (RH) Bill kundi ang pagbibigay akses sa serbisyong pangkalusugan sa mga kababaihan, paalala ng Gabriela Women’s Party-list sa mga kongresista. Sinabi ito ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, sa gitna ng pagsuporta ng US Agency for International Development (USAID) sa pagbibigay sa […]

Pang-aabuso sa bata sa Willing Willie kinondena ng Gabriela

Mariing kinondena ng Gabriela ang insidente sa Willing Willie noong Marso 12 na nagpapakita sa isang anim na taong batang lalaki na paulit-ulit na pinasasayaw habang umiiyak. Ayon sa grupo isang akto ng pang-aabuso sa bata ang nangyari na ipinalabas sa lokal na telebisyon. Nauna nang hinarap ni Willie Revillame, host ng naturang palabas, ang […]

Larawan: Rebolusyonaryong kawani, nagdiwang ng ika-42 anibersaryo ng NPA

Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng underground na organisasyong Makabayang Kawaning Pilipino (MKP) sa Divisoria, Manila para ipagdiwang ang ika-42 anibersaryo ng New People's Army (NPA) sa Marso 29 na naglulunsad ng armadong pakikibaka sa bansa. Miyembrong organisasyon ng rebolusyonaryong alyansang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang MKP. (Boy Bagwis)

Diskuwento sa PUVs, ‘di sapat –Anakbayan

Hindi sapat ang P3 diskuwento para sa Public Utility Vehicles (PUVs) na pinaplano ng Department of Energy bilang tugon sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ayon sa grupong Anakbayan. Sinimulan ng mga kabataan ngayong araw ang mga noise barrage sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at Quezon City bilang suporta sa […]