Pinoy Weekly

Pagkampo ng militar sa eskuwelahan, labag sa karapatang pantao

KINONDENA ng Katungod, alyansang pangkarapatang pantao sa Silangang Visayas, ang pagkampo diumano ng mga elemento ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga eskuwelahan sa Brgy. Tabongohay, Alang-alang, Leyte.

Humigit-kumulang 30 sundalo diumano ang nagkampo sa paaralan pang-elementarya sa naturang lugar noong Abril 13 sa gitna ng mga operasyong kontra-insurhensiya nito.

“Malinaw na paglabag ito sa karapatang pantao: paggamit sa mga pampublikong imprastraktura para sa mga gawaing militar at paglalagay sa panganib sa mga sibilyan sa pamamagitan ng pagkampo sa kanilang komunidad…(B)ilang mga combatant, malinaw silang target ng mga kalaban nila,” pahayag ng Katungod.

Isiniwalat din ng grupo na hindi pagtulong sa komunidad ang pakay ng mga militar tulad ng sinasabi nito. Bagkus, malinaw umanong bahagi ito ng programang kontra-insurhensiya sa ilalim ng Oplan Bantay Laya 2, para takutin ang mga sibilyang pinaghihinalaan nilang sumusuporta sa rebeldeng New People’s Army.

Palinawag pa ng Katungod, kadalasang pinangungunahan ng Re-engineered Special Operations Team (RSOT) ang kampanya nila sa mga komunidad na may lehitimong isyu sa lupa. Titiktikan nila ang mga sibilyan doon at titipunin para magprisinta ng diumano’y talaan ng mga tagasuporta ng NPA.

“Kapag hindi ‘sumuko’ ang mga nasa listahan, aarestuhin sila, ikukulong, iiinteroga hanggang itotortyur ang mga ayaw ‘umamin,’” sabi pa ng Katungod.

Kasalukuyan umanong nasa gitna ng laban sa pangangamkam ng isang panginoong maylupa ang mga magsasaka sa Brgy. Tabangohay.

Nanawagan ang Katungod na agarang alisin ng militar ang yunit nito sa naturang lugar. “Hindi trabaho ng militar ang pagmamantine ng peace and order at pagbibigay ng elektrisidad – ito ang itindadahilan nila – bagkus ay responsabilidad ito ng barangay, pulisya at kooperatiba ng kuryente,” sabi pa ng Katungod.

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=216

Kenneth Roland A. Guda Posted by on Apr 16 2009. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes
More in Balita (1227 of 1232 articles)