Mga Larawan: Brutal na kampanyang kontra-insurhensiya ipinrotesta

Bitbit ang mga karton na kabaong na sumisimbolo sa mga biktima ng Oplan Bantay Laya I at II, nagmartsa ang mga militante mula Welcome Rotonda patungong Mendiola para muling hilinging wakasan ang rehimeng Arroyo. Ipinoprotesta ng mga militante ang brutal na mga kampanyang kontra-insurhensiyang ito na bumibiktima sa mga sibilyan at ordinaryong mga mamamayan, pati sa mga aktibista at bumabatikos sa gobyerno. (KR Guda)

Pinangunahan ang martsa ng mga kaanak ng 43 manggagawang pangkalusugan na dinukot sa Morong, Rizal noong Pebrero 6. Sinimulan sa araw na ito, Abril 14, ang fasting ng Morong 43 para iprotesta ang patuloy na detensiyon nila at paglapastangan diumano sa kanilang mga karapatan. (KR Guda)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7023













