Nagsindi ng kulay berdeng ilaw ang ilang aktibistang pangkalikasan, lider-katutubo, at adbokeyt ng karapatang pantao para sa patuloy na paghahanap ng katarungan para 39 tagapagtanggol ng kalikasan na naging biktima ng ekstra-hudisyal na pagpatay at pagkawala. Inaalala rin nila ang ikalawang taong anibersaryo ng pagpaslang sa aktbistang pangkalikasan na si Eliezer “Boy” Billanes sa Koronadal City noong Marso 9, 2009. (Litrato mula sa Kalikasan People's Network for the Environment)
Ayon sa Marikina Kontra Agos, maaaring lumala ang init dahil sa pagkawala ng malaking bahagi ng natural na lilim sa komunidad. Anila’y maaari rin maging mas bulnerable pa sa pagbaha ang lugar.
Nasunog ang bahagi ng Bundok Ping-as sa bayan Pakil, Laguna noong Hunyo 19. Nangamba ang mga residente na baka umabot ang apoy sa kapilya sa tuktok ng bundok, kung saan idinaraos ang taunang Ahunan sa Ping-as.
Nangangamba ang mga residente sa Ilocos Norte na ang konstruksiyon, panginginig at, sa kalaunan, ang natapos na mga estruktura ay maaaring makagambala sa kanilang mga ruta sa pangingisda at sa lokal na yamang-dagat.