Kaso kontra sa bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta, pinarerepaso sa DOJ


Tumungo ang mga abogado’t mga tagasuporta ng bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta na agarang aksiyunan ang petisyon para repasuhin ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa artista’t aktibista.

Dating bilanggong pulitikal at tagapagsalita ng Selda na si Angie Ipong, sa piket sa harap ng DOJ. (Photo courtesy: FEAC)
Dating bilanggong pulitikal at tagapagsalita ng Selda na si Angie Ipong, sa piket sa harap ng DOJ. (Photo courtesy: FEAC)

Tumungo ang mga abogado’t mga tagasuporta ng bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta na agarang aksiyunan ang petisyon para repasuhin ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa artista’t aktibista.

Pinangunahan ng Free Ericson Acosta Campaign (FEAC) at mga abogado ang pagpetisyon sa DOJ na naglalayong ipabasura sa kagawaran ang kasong illegal possession of explosive laban kay Acosta.

Ikinalulungkot ng mga tagasuporta ni Acosta ang patuloy na pagkakapiit ng huli sa Calbayog Sub-provincial Jail sa Calbayog, Samar mula pa noong Pebrero 2011.

Kabilang sa mga tagasuporta ni Acosta at kaanib sa FEAC ang mga artista at manggagawang pangkultura na nanggigiit sa gobyerno na palayain ang isang makabayang artista at aktibista na malinaw umanong di-makatarungang ipinipiit nito.

Nagpiket ang mga tagasuporta ni Acosta sa harap ng tanggapan ng DOJ sa Manila. Kabilang sa nakiisa rito si Malou Jacob, tanyag na manunulat at executive director ng National Commission on Culture and the Arts o NCCA.

Nauna nang nagbigay ng suporta sa bilanggong pulitikal ang iba pang mga tanyag na artista tulad ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, at ilang mamamahayag at manggagawang pangkultura.

The investigating prosecutor seriously erred in recommending that an information for illegal possession of explosive be filed against (Acosta) in court,” ayon sa petisyon ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), grupo ng mga abogado na tumutulong sa kaso ni Acosta.

Tinukoy ng petisyon ang marami umanong iregularidad at paglabag sa karapatang pantao ni Acosta noong inaresto at ikinulong siya. Kabila ng ditto ang  pag-aresto sa kanya nang walang mandamyento, di-pagsabi ng dahilan ng kanyang pagkaaresto, pagtanggi sa karapatan niya sa abogado, pagtawag sa telepono para kontakin ang mga kaanak, matagal na interogasyon na umabot ng 44 oras, sikolohikal at pisikal na tortyur.

Malinaw din umanong ipinlanta lamang sa kanya ang sinasabing granada na natagpuan umano sa kanya ng mga umarestong element ng militar.

F. Sionil Jose, mga miyembro ng Philippine Center of International PEN (Poets & Playwrights, Essayists, Novelists) kabilang sina Jun Cruz Reyes, Lito Zulueta, Elmer Ordonez, Ronald Baytan, Susan Lara at Wendell Capili, director Soxie Topacio; mananayaw na si Myra Beltran; artistang biswal na sina Karen Flores, Mideo Cruz, Leonilo Doloriconat at Boy Dominguez, at marami pang iba. Nakakuha rin ng suporta ang FEAC sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at artista mula sa USA, Canada at Europe.

Nakiisa rin ang FEAC sa kampanya ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan at Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto o Selda para imbestigahan din ng DOJ ang mga kaso iba pang bilanggong pulitikal sa bansa.