Larawan: Katarungan para sa 39 na tagapagtanggol ng kalikasan na biktima ng paglabag sa karapatang pantao ipinanawagan


Nagsindi ng kulay berdeng ilaw ang ilang aktibistang pangkalikasan, lider-katutubo, at adbokeyt ng karapatang pantao para sa patuloy na paghahanap ng katarungan para 39 tagapagtanggol ng kalikasan na naging biktima ng ekstra-hudisyal na pagpatay at pagkawala. Inaalala rin nila ang ikalawang taong anibersaryo ng pagpaslang sa aktbistang pangkalikasan na si Eliezer “Boy” Billanes sa Koronadal City noong Marso 9, 2009. (Litrato mula sa Kalikasan People's Network for the Environment)