Bitbit ang mga karton na kabaong na sumisimbolo sa mga biktima ng Oplan Bantay Laya I at II, nagmartsa ang mga militante mula Welcome Rotonda patungong Mendiola para muling hilinging wakasan ang rehimeng Arroyo. Ipinoprotesta ng mga militante ang brutal na mga kampanyang kontra-insurhensiyang ito na bumibiktima sa mga sibilyan at ordinaryong mga mamamayan, pati sa mga aktibista at bumabatikos sa gobyerno. (KR Guda)Pinangunahan ang martsa ng mga kaanak ng 43 manggagawang pangkalusugan na dinukot sa Morong, Rizal noong Pebrero 6. Sinimulan sa araw na ito, Abril 14, ang fasting ng Morong 43 para iprotesta ang patuloy na detensiyon nila at paglapastangan diumano sa kanilang mga karapatan. (KR Guda)
Ang pagpaslang kay RJ Ledesma at sa 18 na iba pa sa Negros Occidental ay patunay na walang ganap na kalayaan sa ilalim ng huwad na demokrasya ng mga mapagsamantala.
Para sa mga komunidad sa kanayunan, ang kapayapaan ay hindi ang katahimikan kundi ang katarungang panlipunan, isang bagay na hanggang ngayon ay patuloy na ipinagkakait sa mamamayan.
Bubuksan na ng International Criminal Court ang imbestigasyon sa gera kontra-droga ni Duterte. Ito, at iba pang proyekto, ang bumubuo sa gera kontra-mamamayan ng gobyerno, ayon sa Investigate PH.