Iya Espiritu

Si Iya ay isa sa mga haligi ng PinoyMedia Center, lalo na sa media engagement programme ng PMC.

Paglaban para sa kinabukasan ni Monica

Madalas banggitin ng mga magulang na edukasyon ang tanging pamana nila sa kanilang mga anak. Kaya ganoon na lamang ang pagsusumikap nila at kahit mabaon pa sa utang, igagapang nila ang mga ito sa pagpapaaral matapos lang ng kursong magbabangon sa kanilang kinabukasan. Dapat sana, katuwang ng mga magulang ang pamahalaan na siyang responsable sa […]

Unang unyon ng BPO workers, itinatag

Humigit-kumulang 70 empleyado mula sa industriya ng call centers o business process outsourcing (BPO) ang nagtipon sa Makati Medical Auditorium nitong Marso 28 para itatag ang pinakaunang unyon sa naturang industriya. Sinuportahan ang hakbang na ito ng halos 800 empleyado mula sa West Contact Services, Inc., isang kompanyang BPO na binili ng isa pang malaking kompanya […]

#Sinungaling | ‘Groupie protest’ isinagawa sa Trinoma Mall

Nagtipon ang mga miyembro ng Truth and Accountability Alliance at Noynoy Out Now! (NOW) sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City para sa isang tahimik na “groupie protest” kontra sa pagsisinungaling diumano ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa trahedya sa Mamasapano at iba pang isyu. Nakausot sila ng itim na t-shirt na may nakasulat […]

Mga batang salamin ng lipunan

Madalas ituring ang mga bata na isang biyaya. Liban sa pag-asa sila sa kinabukasan, nakapagbibigay sila ng tuwa sa bawat pamilya, at nakakaalis din ng pagod. Sa kanilang taglay na katangian, nararapat lang na arugain sila, pakainin, pag-aralin, gabayan at hayaang sa kanilang paglalaro at pakikisalamuha sa kapwa ay ganap na umunlad at lumaking kapaki-pakinabang […]

PROFILE | Marissa Cabaljao: Ang babae sa gitna ng unos

Bakit nga ba pangalan ng babae ang tawag sa mga bagyo? Isang paliwanag na di-maririnig sa mga nagpauso nito: dahil mga babae at bata ang pinaka-bulnerable tuwing may bagyo. Mga magsasakang kababaihan at mga bata, kung tutuusin. Ngayong Buwan ng Kababaihan, isa sa pinakamainit na isyung kinakaharap ng mga babaeng magsasaka, lalo na sa Eastern […]

Ka Inday Bagasbas: Puso ng maralitang tagalungsod

Para sa mga maralitang tagalungsod, mistulang demolisyon pa ang sagot ng administrasyong Aquino sa mga suliranin nila sa buhay. Maililigtas daw ang mahihirap sa tabing-ilog kapag inalis sila sa lugar. Malulutas daw ang trapik kapag nag-road widening. Maraming negosyante at dayuhan ang mahihikayat na mamuhunan sa bansa kapag ang mga gusali ay malinis. Hindi na […]

Orly Castillo: Mga alaala ng Sigwa ng Unang Kuwarto

Tuwing Enero 30, ginugunita ng maraming aktibista ang First Quarter Storm, o Sigwa ng Unang Kuwarto ng Dekada ‘70, ang panahong bumulwak ang militansiya at pakikibaka ng kabataan para sa pambansang demokrasya. Makikita sa mga larawan noon na libu-libo ang lumalabas sa lansangan para tuligsain ang naghaharing sistemang malakolonyal at malapiyudal. Iniluwal ng dekadang ito […]