‘Days of Rage’ buwelta ng kabataan vs kaltas-badyet sa sebisyong panlipunan
Binansagan nila itong "Days of Rage." Serye ng mga welga, barikada, piket, pag-iingay at paghihikayat ang isinasagawa ng mga organisasyon ng militanteng kabataan mula pa Nob. 24. Ang kanilang isyu: ang nakaambang pag-apruba sa pambansang badyet sa 2011 na may kinaltasang badyet sa serbisyong panlipunan.