Sumpa ng Kawayan*
ni Joi Barrios-Leblanc Matibay ang kawayan. Iyan ang sumpa. Hayaang ipaghampas-hampasan ng unos, lumangoy at magpaanod sa baha. Pigilin ang hininga at baka malanghap ang bangkay na naaagnas. Tiisin ang gutom ng sikmura na kahit sa papuri, ay hungkag na hungkag. Kalimutan natin ang kasakiman na sa kabundukan ay nagpapatag, at nagbabago sa […]