Pher Pasion

Si Pher Pasion ay dating Managing Editor ng Pinoy Weekly. Nagtuturo siya ngayon ng wikang Filipino sa Polytechnic University of the Philippines.

Iba’t ibang sektor nagkaisa vs pagsasapribado ng Orthopedic

Muling ipinakita ng mga empleyado, pasyente at tagasuporta ng Philippine Orthopedic Center (POC) ang kanilang pagtutol sa pagsasapribado ng nasabing ospital, sa isang sit down strike na kanilang ginawa. Determinado silang mga pasyente, doktor, nars, kawani, at maging ang kanilang direktor, na biguin ang bantang pribatisasyon sa POC. Gayundin, nakiisa ang mga kawani sa iba’t […]

Isa na namang OFW, binitay sa Saudi

Nagpahayag ng pakikiramay at simpatya ang Migrante International sa pamilya ni Joven Esteva, isang overseas Filipino worker (OFW) na binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia sa kasong murder. Si Esteva ang ika-pitong OFW na nasa death row na binitay sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Pinakamarami ito sa isang rehimen mula ng ipinatupad sa […]

Migrante, dinala ang panawang pagbaba sa puwesto ni Aquino sa tarangkahan ng Malakanyang

Naglunsad ng isang lightning rally ang mga miyembro ng Migrante International sa Gate 7 ng Malakanyang sa Maynila para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino sa puwesto. Kaugnay ito sa sunud-sunod na pag-atake sa mga migranteng Pilipino na pinababayaan umano ng administrasyong Aquino. Pinakahuli ang pagbitay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia. Kasabay din nito ang […]

Aquino pinagbibitiw din ng mga migranteng Pilipino

Magdadalawang dekada na sa Marso 17 mula nang bitayin si Flor Contemplacion, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore. Kasabay ng komemorasyong ito, nananawagan ang mga grupo ng migrante at kaanak nila na bumaba na sa puwesto si Pangulong Aquino. Nais ng Migrante International na gunitain ang pagbitay kay Contemplacion, na inakusahang pumatay daw sa isang Singaporean […]

Sa anibersaryo ng Herrera Law, Aquino ginawaran ng ‘end of contract’

Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo. Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law. “Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang […]

Aquino, ‘game over’ na, ayon sa mga grupo ng kabataan

[cycloneslider id=”feb-27-rally-game-over-noynoy”] Libu-libong mamamayan ang nagtungo sa paanan ng Mendiola sa Maynila para sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino sa pagkapangulo. Pinangunahan ang protesta ng iba’t ibang grupo ng kabataan sa pangunguna ng alyansang Youth Act Now, at mga organisasyong tulad ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), National Union of Students of the Philippines (NUSP), Student Christian […]

Pagsuspinde ng pagdinig sa Kamara, ‘pakana ni Aquino, ng US’

Sinugod ng grupo ng kababaihan at mga maralita ang harapan ng Kamara para kondenahin ang pagsuspinde ng pagdinig sa naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao. Sa araw ng dapat na ikalawang pagdinig dapat sa Kamara, sinuspinde ng House Committee on Peace, Recognition and Unity ang pagdinig para sa nangyari sa  Mamasapano para hintayin na lamang […]

‘US kasama sa operasyon sa Mamasapano’

Malinaw sa mga residente ng Mamasapano na may mga dayuhan at hindi lamang mga Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang mga nagsagawa ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Ito ang napag-alaman ng Gabriela Women’s Party kasama ng iba’t ibang grupo at miyembro ng midya sa ginawang People’s Fact-Finding Mission (PFFM) noong […]