Avatar

Yanni Fernan

Pagbabalik ng US Bases

Hindi nag-aksya ng panahon si Aquino at ang US para ipatupad ang EDCA. Sa ilalim nito, nagmimistulang base militar ng US ang buong bansa habang security guard naman ang mga sundalong Pilipino.

Karangalan at kawalang hustisya

Kawalan ng hustisya sa bulok na lipunan--at pagsikap ng isang tao na makamit ito sa sariling paraan--ang tema ng pelikulang 'Honor thy Father'. Ito rin ang tema ng pagbabalikwas nina Erik Matti kontra sa Metro Manila Film Festival.

Kung kilig lang ang habol

Dinala ng beteranong komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto ang kilig at katatawanan sa pelikula. At ang AlDub? Kilig din naman -- pero nasa Kalyeserye pa rin ang magic ng kanilang tandem.

Nagniningning na musical

Habang nanonood ng Bituing Walang Ningning-The Musical, hindi ko rin maiwasang malungkot. Walang pagkakataon ang karaniwang masa na mapanood ang ganitong kagandang palabas tungkol sa kanila. Buhay nila ang tinatalakay at inilalarawan sa entablado pero wala sila sa teatro para tunghayan ito.

Makasaysayang welga ng mga manggagawa sa La Tondena

Tama na! Sobra na! Welga na! Unang umalingawngaw ang panawagang ito sa unang pinakamalaking welga sa ilalim ng batas militar, halos 40 taon na ang nakararaan – ang La Tondena strike. Ito’y sa kabila ng pagbabawal sa welga ayon sa General Order No.5, na ibinaba ng dating diktador na si Ferdinand Marcos sa ikalawang araw […]

Kid Kulafu: Kalbaryo ng Batang Manny

Before he was Manny Pacquiao, he was Kid Kulafu, sabi ng movie poster ng Star Cinema na nagprodyus ng pelikula tungkol sa batang Manny Pacquiao. Pinagbibidahan ito ng isang di-sikat pero dating best child performer (Ang Panday) na si Buboy Villar, sa direksyon ni Paul Soriano at iskrip ni Froilan Medina. Itinaon ang pagpapalabas ng Kid […]

Panayam kay Nora Aunor: ‘Ako na ang magkukusa’

Matapos ang rali ng Migrante International sa Mendiola bilang paggunita sa ika-20 taon ng pagbitay kay Flor Contemplacion, eksklusibong nakapanayam ng Pinoy Weekly si Nora Aunor, beteranong aktres at tinaguriang Superstar. Maaalalang si Nora Aunor ang gumanap na bida sa premyadong The Flor Contemplacion Story. Suot ang maong at itim na t-shirt na may markang […]

Welcome, Pope Francis!

Sa Pilipinas lamang marahil nagaganap ang parang piyestang pagsalubong sa isang Santo Papa. Sa kabila ng matagal na paghihintay sa iba’t ibang lokasyon sa ruta na dadaanan ni Pope Francis, ang taumbayan ay di magkamayaw at walang pagsidlan ng tuwa, galak, at excitement sa balitang paparating na ang Papa. Parang hindi man lang sila nakakaramdam […]

Multo ng nakaraan

Rebyu ng Dementia, pelikulang dinirehe ni Perci Intalan, mula sa iskrip nina Perci Intalan at Jun Lana, tampok sina Nora Aunor, Jasmine Curtis Smith, Yul Servo, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, at Althea Vega. Na-test screen noong Setyembre 10, 2014 sa Greenhills Theater Mall, San Juan City Hindi ko inaasahang isang horror-suspense drama ang Dementia. Wala […]