Balita

Hiwalayan sa koop at korporasyon

“Nagpakonsolida ako kasi natakot akong mawalan ng hanapbuhay. Pero sa ginagawa nila, para akong sumusugal,” sabi ng drayber ng jeepney na si Domingo Lacostales.

Pinsala ng El Niño, pumalo ng P151.3M

May 6,618 metric tons ng palay at mais ang nasayang. Tinatayang 3,923 na magsasaka ang apektado ng tagtuyot sa dalawang rehiyon habang 3,291 ektaryang sakahan ang apektado ng matinding tagtuyot.

Pamalakaya, P1nas, iginiit ang karapatan sa WPS

Nanindigan din ang mga grupo na responsable si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lumalalang tensiyon sa WPS dahil sa kanyang kawalan ng paggigiit ng soberanya ng Pilipinas sa karagatang sakop ng exclusive economic zone.

Paglaya ni Cumpio, iginiit ng mga mamamahayag

Ginunita rin ng iba’t ibang progresibong grupo sa Kabisayaan ang ikaapat na taon sa piitan nina Frenchie Mae Cumpio at nananawagan para sa pagbasura sa mga gawa-gawang kasong isinampa sa kanila.

Jhed at Jonila, protektahan–makakalikasang grupo

Hinimok ng mga lokal at internasyonal na grupo ang Korte Suprema na aprubahan na ang petisyon para sa mga writ of amparo at habeas data na hiniling ng mga dinukot na aktibista na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.

Direktor, tatlo pang iba, inaresto nang walang warrant

May higit 24 kilometro ang layo ng dalawang munisipalidad sa isa’t isa. Isiniwalat din ng direktor sa kanyang X (dating Twitter) profile na walang warrant na ipinakita ang pulisya nang arestuhin sila.

Manggagawa, apektado sa pagbenta sa Sky Cable

Hindi naabisuhan ang mga empleyado sa biglaang tanggalan at naniniwala silang hindi sinunod ang patakarang isinasaad sa collective bargaining agreement hinggil sa pagbabawas ng tauhan sa mga ganitong pagkakataon.

Kawani ng Baciwa, nangalampag sa CSC 

Hiling nila na maibalik sila sa trabaho at ibasura ang joint venture agreement ng Bacolod City Water District at Prime Water Corporation.

Kapalpakan, korupsiyon sa PUVMP, nalantad

Sa mga pagdinig ng Kamara hinggil sa programa, paulit-ulit na binatikos ng mga mambabatas ang sapilitang konsolidasyon, kawalan ng kongkretong plano ng mga ahensiya, at pagsasantabi sa mga panawagan ng apektadong sektor.