Istorya ng Linggo

‘Impeachment lang ang patutunguhan’

Reklamong impeachment kontra sa kasalukuyang pangulo ng bansa lang ang nararapat na tugon sa deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP), o presidential pork barrel. Inihayag ng iba’t ibang progresibong grupo ang kahandaan nilang magsumite ng impeachment complaint. Anila, “in good faith” man o hindi, malinaw na nilabag […]

‘Bilyun-bilyong pisong DAP isauli, Aquino magbitiw na’

Nanawagan ang iba’t ibang grupong kontra-pork barrel kay Pangulong Aquino na magbitiw matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na itinuturing na presidential pork barrel. Hiniling din ng ibang grupo na isauli ng administrasyong Aquino sa national treasury ang mahigit P142 Bilyong ginamit nito bilang unprogrammed fund […]

Mga Larawan | EDCA at pork barrel, patunay ng ‘kawalan ng kalayaan’ sa ilalim ni Aquino

Nitong Hunyo 12, ipinakita ng rehimen kung papaano nito ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan: sa pamamagitan ng pagkumpiska ng simbolikong mga baril ng mga Katipunerong nagsasagawa ng street play malapit sa embahada ng Amerika. Sa parehong umagang iyon, inaresto ng Presidential Security Group ng Pangulo ang isang estudyante, ang 19-anyos na si Pio Emmanuel Mijares […]

10 katotohanan hinggil sa ‘pagkakaibigan’ ng gobyerno ng US at Pilipinas

Nasa ikawalong round na ang negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino ng Pilipinas at Obama ng US para maplantsa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng dalawang bansa, sa pagkakasulat nito. Hanggang ngayon, batayang mga prinsipyo lamang nito ang naisasapubliko. Minamadali ng dalawang panig ang kasunduang ito para magpirmahan sa pagdating ni US Pres. […]

Alipin ng kontraktuwal na paggawa

Palipat-lipat ng trabaho si Ellen. Pagktapos makakuha ng dalawang-taong kuro na electronics technology, unang pumasok si Ellen sa isang kompanya na gumagawa ng mga piyesa para sa DVD player sa Laguna. Pero limang buwan lang siyang namasukan. Ang dahilan, isa siyang kontraktuwal. Kaya’t hindi na bago sa mga manggagawa ang katawagang Endo (End of Contract). […]

10 istoryang pinalampas ng midya noong 2013

Nitong nakaraang taon, tila mas sumikat ang katawagang “yellow media” bilang bansag  sa media organizations na kadalasang paborable kay Pangulong Aquino at sa kanyang administrasyon ang coverage. Ayon sa mga kritiko nito, lalong nalantad ang kanilang bias pabor sa administrasyon matapos salantahin ang bansa ng bagyong Yolanda—international media pa ang pinakamaingay na naglantad sa anila’y pagpapabaya ng […]

People’s Initiative, sandata ng publiko kontra pork barrel

Hindi pa tapos ang laban kontra sa pork barrel. Ito ang sinabi ng iba’t ibang grupo at personahe na kontra pork barrel sa isang pambansang asembleya hinggil sa people’s initiative kontra sa anumang uri ng lump sum appropriations sa badyet ng gobyerno. Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong Nobyembre na nagdedeklarang labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistance Fund […]