Migrante

Larawan: Unang taong anibersaryo ng Gabriela sa Hong Kong, ipinagdiwang

Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.

Bumibisitang pamilya ng OFW, pinagbabayad ng gobyerno

Isang bagong rekisito para sa bumibisitang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) at Macau ang tinawag ng mga grupong migrante na panibagong porma ng “pangongotong” ng gobyernong Aquino sa mga OFW. Kamakailan, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, Dubai, at Macau na kailangan munang kumuha ng isang notarized […]

Halos 50% na pagkaltas sa badyet para sa OFW, binatikos

Kinastigo ng mga migranteng Pinoy ang gobyernong Aquino III at DFA (Department of Foreign Affairs) sa pagbawas nang halos kalahati sa pondong nakalaan para sa mga OFW (overseas Filipinos  workers) sa panukalang pambansang badyet para sa 2011. Sinabi ni Kalihim Alberto Romulo ng DFA sa pagdinig sa pambansang badyet sa Kamara kamakailan na P27-milyon lamang […]

Pagkamatay ng DH na tumalon sa bintana, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng Migrante-Middle East sa Department of Foreign Affairs at embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ang mga ulat hinggil sa pagkamatay ng isang hindi pa nakikilalang domestic helper (DH) nang tumalon sa bintana ng ika-pitong palapag ng building ng employer. Ayon sa ulat ng pahayagang Saudi Gazette noong Setyembre 1, tumalon ang DH sa […]

OFW sa Saudi Arabia, sumulat kay P-Noy

Naglakas-loob na magsulat kay Pang. Benigno Aquino III ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia, na ilegal na tinanggal sa trabaho matapos ang 21 taon na pagseserbisyo at matagal nang hindi inaaksiyunan ang kaso ng embahada at Philippine Overseas Labor Office. “Nagsimula akong huminto sa trabaho mula pa noong 2007 pagkatapos […]

Sa Ramadan, OFW sa UAE nagpapapirma laban sa e-passport

Dubai – Sa isang signature campaign na sinimulan ngayong Ramadan, target ng grupo ng mga migrante sa United Arab Emirates (UAE) na makakalap ng 100,000 lagda bilang pagtutol sa pagtaas sa bayarin sa e-passport at para paimbestigahan ang umano’y korupsiyon ni Sek. Alberto Romulo ng DFA (Department of Foreign Affairs). Nag-iikot ang mga kasapi ng […]

Pinoy napatay sa Iran

Dubai – Nanawagan ang Migrante-UAE sa Embahada ng Pilipinas sa UAE (United Arab Emirates) na tingnan ang kondisyon ng mga Pinoy sa Isla ng Kish sa Iran matapos mapatay ang isang OFW na nagtungo sa naturang isla galing Dubai para magpalit ng visa. Napatay noong Hulyo 1 si Mark Lloyd Carmen, 24, matapos saksakin ng […]

Pamilyang OFW, ‘iskuwater’ sa tabi ng konsulado sa Jeddah

Naninirahan nang parang mga iskuwater ang mahigit 20 istranded at runaway na mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa tabi mismo ng gusali ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia, ayon sa grupong Migrante- Middle East. “Inutusan ni Pang. Benigno Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensiya ng gobyerno na […]