Migrante

11 karpinterong Pinoy sa Dubai, inonse

Dubai, UAE – Baluktot ang kamangha-manghang modernong disenyo ng tinatapos nilang tore; ngunit mas baluktot ang patakaran ng kumpanyang kanilang napasukan. Idinemanda ng 11 karpinterong OFW sa Dubai Ministry of Labour ang Batimat Building Materials LLC, isa sa mga sub-contractor na gumagawa sa matayog na Infinity Tower sa Dubai Marina. Dalawa’t kalahating buwan silang hindi […]

Arroyo, hinamon na sagipin ang Kabalen na OFW

Nanawagan ang Migrante-Middle East kay Pangulong Arroyo na kumilos para sagipin ang buhay ng 30-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joseph (di tunay na pangalan), na hinatulan kamakailan ng korte ng Saudi Arabia ng parusang kamatayan dahil sa diumano’y pagpatay ng kanyang landlord na Sudanese noong nakaraang taon. Tubong Mexico sa Pampanga, probinsya […]

Notoryus na kompanyang Annasban sinuspinde ng POEA

Ikinatuwa ng mga Pilipinong manggagawa ng Annasban Group of Companies sa Saudi Arabia ang desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong Abril 12 na pansamantalang isuspinde ang lahat ng aplikasyon para sa kompanya, dahil sa mga reklamo ng iba’t ibang paglabag sa paggawa. Nalaman ng mga biktima ng Annasban ang balita nang dumalo sila […]

Senatoriables at OFW, pumirma ng kasunduan

Pumirma ngayon ng kasunduan ang limang senatoriables at mga Overseas Filipino Worker, sa pangunguna ng Migrante International, sa isang 7-Point Migrants Covenant para sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mahigit 10 milyong migranteng Pilipino. Sa isang press conference sa Quezon City ngayong araw, sumang-ayon sina Liza Maza (Makabayan/Nacionalista Party), Gwen Pimentel (NP), Apolinario “Jun” […]

Pinay sa UAE tatlong buwan na sa morge

Ras Al Khaimah, UAE –  Mariing kinondena ng Migrante-UAE (United Arab Emirates) ang kabagalan ng Konsulado ng Pilipinas na aksiyunan ang pagkamatay ni Rahima Jamal, 19, na tatlong buwan nang nasa morge ng Saif Obaidullah Hospital ang bangkay. “Talagang napakabagal ng ating Konsulado sa pagtulong sa ating mga kababayan. Ayon sa isang opisyal sa Konsulado, […]

Permanent residency ni Sison, iginiit ng Pinoy sa Hong Kong

Iginiit ng mga Pilipino sa Hong Kong na dapat nang ipagkaloob ng gobyernong Dutch ang permanent residency at iba pang karapatan kay Prop. Jose Maria Sison, kilalang political refugee, sa isang piket sa harap ng Dutch Consulate ngayong araw. Isinumite ng Hong Kong Committee to Defend the Rights of Prof. Jose Maria Sison (HK Defend) […]

DFA hinamon: Labanan ang deportasyon ng nagwelgang Pinoy sa Ireland

Hinamon ni Satur Ocampo, kinatawan ng Bayan Muna at kandidato sa pagkasenador, ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makialam sa kaso ni John Recto, isang migranteng Pilipino sa Ireland na nanganganib mapauwi ng bansa dahil sa pagwewelga sa kanyang pinagtatrabahuang pabrika. Ayon sa website ng Irish political party Republican Sinn Fein, sumali si Recto […]