Migrante

23 araw bago magpasko, 89 OFW sa Riyadh hindi pa rin makauwi

Walumpu’t siyam na overseas Filipino workers sa  Riyadh, Saudi Arabia ang naghihintay pa rin mapauwi sa Pilipinas, 23 araw bago magpasko. Ayon sa Migrante-Middle East, sa kabila ng pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs noong Nob. 3, 2009 na nakikipag-usap na ang Philippine Overseas Labor Office sa Annasban Co. tungkol sa pagpapauwi sa […]

Korte Suprema ‘inawitan’ ng TRO sa de-listing ng Migrante party-list

Maagang christmas caroling ang handog ng mga miyembro ng Migrante sa Korte Suprema ngayong araw para hingiin ang mabilis na pag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO)  sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na tanggalin ang grupo mula sa listahan ng mga party-list na makakatakbo sa 2010 halalan. “Umaasa kami na wawakasan ng Supreme Court […]

14 na taon sa bilangguan sa Kuwait, OFW umapela sa paglaya

Isang OFW (overseas Filipino worker) na nakabilanggo sa Kuwait ang umapela para sa kanyang paglaya. Sa pamamagitan ng kanyang kapatid at mga kaibigan, hiniling ni “Jose”, (di tunay na pangalan) sa isang e-mail sa Migrante – Middle East na bigyang-pansin ang kanyang kaso dahil 14 na taon na siyang nasa bilangguan. Si Jose, isang tennis […]

Larawan at video: Isang linggong protesta para palahukin ang Migrante sa halalan, ikinasa

Ikinasa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang linggong protesta para udyukan ang Commission on Elections na palahukin ang Migrante Party-list sa 2010 halalan. Tinututulan nila ang Comelec En Banc Resolution noong Oktubre 13, 2009 sa dinidiskwalipika ang Migrante at 25 pang party-list. Umano’y labag ang nasabing resolusyon sa Party-list System Act at isang hakbang […]

OFW sa Hong Kong nag-text barrage para palahukin ang Migrante Party-list sa 2010

Nagsagawa ng text barrage ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) sa Hong Kong para udyukan ang mga komisyuner ng Comelec (Commission on Elections) na payagang tumakbo ang Migrante Party-list sa halalan sa 2010. “Patuloy na dudumugin ng text messages ang mga komisyuner ng Comelec hangga’t hindi tinatanggal ang Migrante sa listahan ng de-listed na mga […]

Istranded na OFW sa Jeddah, nais makauwi bago mag-Hajj

Apatnapu’t siyam na istranded na OFW sa deportation center sa Jeddah, Saudi Arabia ang umaasang mapapauwi sila sa Pilipinas bago ang pagdiriwang ng Hajj sa susunod na buwan at para na rin makasama ang kanilang pamilya bago mag-Pasko. Ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, isang OFW na nagngangalang Abdul Jalil, 30 taong […]

OFW biktima ng rape sa Saudi, naghihintay ng tulong ng konsulado

Isang OFW na biktima ng rape sa Saudi Arabia ang naghihintay pa rin ng tulong ng konsulado ng Pilipinas sa naturang bansa matapos ang mahigit isang buwang pagkakakulong. Sa isang text ng kapatid ng biktima kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, sinabi umano ng biktima na wala pa rin siyang tulong na natatanggap, […]

Delisting ng Comelec sa Migrante, karagdagang sampal sa karapatan ng OFWs

Inireklamo ng Migrante International ang kawalan ng due process sa pagtanggal sa kanilang grupong party-list ng Commission on Elections (Comelec) sa talaan ng mga party-list na maaaring lumahok sa halalan sa 2010. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na kuwestiyonable ang delisting sa kanilang party-list dahil hindi sinunod ng Comelec ang proseso na kailangang abisuhan […]