Migrante

Araw ng migrante sa UAE, matagumpay na idinaos

Dubai, UAE –  Matagumpay na idinaos ng Migrante-UAE ang kauna-unahang Migrants’ Forum sa United Arab Emirates bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Migranteng Pilipino kaalinsabay sa paggunita sa ika-112 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 18 sa Al Nasr Leisureland, Oud Metha, Dubai. Dumalo sa naturang talakayan ang halos 200 delegado mula sa iba’t […]

Gabriela sa Japan, itinatag

Nagkaisa ang aabot sa isandaang kababaihang Pinay sa Japan para itatag ang tsapter ng Gabriela sa naturang bansa. Sa kongreso ng pagkakatatag nito noong Hunyo 27, inanunsiyo ng mga kababaihang Pilipina mula sa iba’t ibang organisasyon at lugar sa Japan ang pagtatag sa Gabriela-Japan. Ginanap ang kongreso sa Nagoya Women’s Center sa Nagoya, Japan. “Natutuwa […]

Libu-libong OFW umalma sa presyo ng e-passport

Mahigit 10,000 migranteng Pilipino sa Hong Kong ang pumirma ng isang petisyon para igiit sa bagong administrasyong Aquino na babaan ang singil sa e-passport na umano’y overpriced. Isinumite ngayon ng mga grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK) at Gabriela- Hong Kong sa Philippine Consulate General ang petisyon, isang araw bago manumpa si Benigno “Noynoy” […]

Pinay, pinayuhan ng opisyal ng OWWA na ‘tumalon sa gusali’

Pormal na sinampahan ng reklamo ng isang Pinay caregiver ang isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos siyang payuhan na tumalon na lamang mula sa ikatlong palapag ng gusali, sa halip na isaklolo mula sa pang-aabuso ng employer. Sinamahan ng mga manggagawa ng Annasban Group of Companies ang kanilang […]

Opisyal na sangkot sa human trafficking, tukoy ng grupong OFW

Tukoy umano ng isang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang mga opisyal ng gobyerno sa iba’t ibang bansa na sangkot sa human trafficking, at hinamon si president-elect Benigno “Noynoy” Aquino III na parusahan ang mga ito. Kamakailan, inilabas ng US State Department ang ulat hinggil sa human trafficking kung saan nasa “watchlist” o […]

Pinoy nars at clinic workers sa Jeddah, di pinapasahod

Nilusob kahapon ng 236 na Pinoy nars at clinic workers ang konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia para itulak ang gobyerno na aksiyunan ang kanilang employer na kalahating taon nang hindi nagpapasahod. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East, na walang ginawa si Labor Attache Vicente Cabe nang lapitan […]

Kamag-anak, iginiit ang karapatan sa kaso ng OFW sa death row

Iginiit ng mga kamag-anak ni Joselito Zapanta sa Department of Foreign Affairs (DFA) na may karapatan silang makialam sa buhay ng kanilang mahal sa buhay, isang Overseas Filipino Worker na nasa death row sa Riyadh, Saudi Arabia. Umano’y “hindi mapagkakatiwaalan” ang gobyerno sa paghawak ng nasabing kaso. Kamakailan, umapela si DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs […]

11 OFW inonse, nakauwi na

Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA), nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan. Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai […]

Noynoy binati, hinamon ng grupong OFW

Binati ng alyansa ng mga Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nangunguna sa paunang mga resulta ng eleksiyon sa pagkapangulo, sa kabila ng pagsuporta nito sa kalaban ni Aquino na si Sen. Manuel Villar. “We would like to convey our best wishes to soon-to-be President-elect, Noynoy Aquino, who is […]

Comelec, nanlilinlang hinggil sa OAV?

Mariing binatikos ng Migrante International ang umano’y “maling” presentasyon at paggamit ng Comelec (Commission on Elections) sa paunang resulta ng Overseas Absentee Voting (OAV) para ipakitang mananatiling mataas ang voter’s turnout bukas sa kabila ng malaganap na problema sa pagdaos ng automated na halalan. Sa huling press conference ng Comelec ngayong hapon, sinabi nitong ipinapakita ng itinakbo ng […]