Pambansang Isyu

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

Tapos na ang impeachment trial laban kay Chief Justice Corona, ngunit para sa mga militanteng grupo dapat na isunod agad ang paglitis paghatol at pagkulong kay GMA dahil siya naman daw ang puno't-dulo ng isinagawang paglilitis. Hindi na rin daw dapat magpalusot si Pangulong Aquino, upang umiwas sa pagtugon sa hinaing ng mamamayan para sa kagyat na ginhawa mula sa kahirapan.

Sa pulong ng Asian Development Bank: Kahirapan, di maaaring ikubli – Bayan

“Hindi maitatago ang kahirapan ng matataas na pader ng gobyerno ng Pilipinas.” Ito ang reaksiyon ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa pagtayo ng matataas na mga pader at pangharang sa mga maralitang komunidad sa malalaking kalsada sa Kamaynilaan na dinaraanan ng 4,000 delegado ng ika-45 taunang pulong ng Asian […]

Mga mambabatas: Gobyernong Aquino, may magagawa para pigilan ang OPH

Naniniwala ang mga mambabatas na may magagawa ang gobyernong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Sa People’s-Legislators Forum on Oil Price Hike (OPH) na ginanap sa House of Representatives kanina, sinuportahan ng ilang mambabatas ang pagtanggal sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo, isang hakbang na tinatanggihang gawin […]

Tuta ng Kano sa Asya-Pasipiko

Inilalatag na ng gobyernong US ang militar nito sa Asya-Pasipiko. Buong-puso naman silang tinatanggap ni PNoy, sa kapinsalaan ng soberanya at seguridad ng mga mamamayang Pilipino