Main Story

Nora Aunor: Aquino, pinakamasahol na presidente sa mga OFW

[cycloneslider id=”flor20-migrante-at-nora-aunor”] “Hindi na natin kailangan pa ang maraming biktima ng pangangalakal, pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na natin kailangan ng mga pamilyang naulila’t nagdurusa para sabihin sa ating mga sarili: ‘Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!’ Ito ang madagundong na sinabi ng maalamat na aktres na si Nora Aunor, sa kanyang talumpati sa Mendiola […]

Panayam kay Nora Aunor: ‘Ako na ang magkukusa’

Matapos ang rali ng Migrante International sa Mendiola bilang paggunita sa ika-20 taon ng pagbitay kay Flor Contemplacion, eksklusibong nakapanayam ng Pinoy Weekly si Nora Aunor, beteranong aktres at tinaguriang Superstar. Maaalalang si Nora Aunor ang gumanap na bida sa premyadong The Flor Contemplacion Story. Suot ang maong at itim na t-shirt na may markang […]

Paglaban ng estudyante sa taas-bayarin sa PUP

Magkasabay na nagrali ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) umaga ng Marso 10 sa mga kampus nito sa Taguig at main campus. Ang layunin nila: pigilan ang taas-bayarin na pinipilit umanong ipatupad ng administrasyon ng pamantasan. Pinanghahawakan nila ang isang-pahinang dokumento na mula umano sa administrasyon ng PUP na nagpapanukalang maningil ng P16,000 sa […]

Iba’t ibang sektor nagkaisa vs pagsasapribado ng Orthopedic

Muling ipinakita ng mga empleyado, pasyente at tagasuporta ng Philippine Orthopedic Center (POC) ang kanilang pagtutol sa pagsasapribado ng nasabing ospital, sa isang sit down strike na kanilang ginawa. Determinado silang mga pasyente, doktor, nars, kawani, at maging ang kanilang direktor, na biguin ang bantang pribatisasyon sa POC. Gayundin, nakiisa ang mga kawani sa iba’t […]

Int’l People’s Tribunal to try Aquino, Obama for crimes vs Filipino people

An international tribunal will try cases of human rights violations perpetrated by Philippine President Aquino, as well as United States (US) Pres. Barack Obama, in Washington D.C. on July this year. The International People’s Tribunal, initiated by non-government organizations, human rights groups and solidarity groups in the Philippines and the United States, was launched today in […]

Mga militar na naglulunsad ng giyera sa Maguindanao, kinumpronta ng mga sibilyan

Kinumpronta ng mga sibilyan ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sumasalakay sa kanilang mga komunidad sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao nitong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Ayon sa Suara Bangsamoro, isang Moro human rights organization, alas-kuwatro ng umaga ng naturang araw nang pumasok ang apat na armored personnel carriers, dalawang military […]

#WomensDay | Paglala ng kanilang kalagayan, batayan ng panawagang #AquinoResign ng kababaihan

[cycloneslider id=”march-8-womens-day-protest-2015″] Aabot sa 10,000 kababaihan at iba pang mamamayan ang nagprotesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong Marso 8 para ipanawagang bumaba na sa puwesto ang anila’y “pahirap, pahamak, pabaya, at pasista” na si Pangulong Aquino. Sa umaga, lumahok ang ilang miyembro at lider ng grupong pangkababaihan ng Gabriela sa sympathy march ng ilang aktibo at retiradong miyembro ng pulisya […]

Mga pulis, kaanak ng SAF 44 at kababaihan nagmartsa para sa ‘hustisya, katotohanan’

[cycloneslider id=”sympathy-march-for-justice-saf-44″] Sa kabila ng misteryosong pagkansela ng permit nito, natuloy ang sympathy march ng aabot sa 1,000 katao na nananawagan ng katotohanan at hustisya para sa mga miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police (SAF-PNP) na napaslang sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Nagsimula ng madaling araw ang martsa-takbo, mula Dasmarinas, Cavite hanggang […]

Misteryo sa likod ng ‘Other School Fees’

Estudyante ng pharmacy si Mae Pauline Siocson sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Bagamat may magulang pa siyang handang magtustos sa kanyang matrikula, naisipan na rin niyang maghanap ng trabaho para makatugon sa ibang pangangailangan sa eskuwela. “Part-time tutor ako. Kumikita ako ng Php 10,000-15,000 kada buwan,” kuwento ni Mae. “Siyempre, nakakatulong ito; mahal mag-pharmacy. […]