Lathalain

Ordinaryong mamamayan, nakataya sa usapang pangkapayapaan ng GPH, NDFP

“Kung lumaban kami, masama kami. Kung tumahimik lang kami sa isang sulok, masama pa rin kami.” Ganito umano ang pagtrato ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Aeta sa kanilang komunidad sa Subic, Zambales, ayon kay Nilo, isang lider-katutubo na ayaw magpakilala para sa sariling seguridad. Sa Tales from the […]

Pagkamatay ni Kristel Tejada, naging sentro ng protesta laban sa kapabayaan ng gobyerno

Isang protestang bayan ang isinagawa kahapon ng iba’t ibang grupo bilang pagtutol sa pagtaas ng singil sa mga serbisyo tulad ng kuryente, tubig, at pamasahe sa tren; pagsasapribado ng mga pampublikong ospital; pagtaas ng presyo ng langis; at pagtaas ng matrikula na nagresulta umano sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada, isang estudyante ng University of the […]

Dissatisfied with lifting of ‘no late payment’ policy, youth groups call for tuition moratorium

Youth groups are dissatisfied with the announcement of  University of the Philippines Manila Chancellor Manuel Agulto that it has lifted the university’s “no late payment” policy, amid public protests following the suicide of Kristel Tejada, a student who was forced to go on leave for failing to pay her tuition fee. Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino called it […]

Video: Pagbangon ng Kababaihan (Part Two)

Libu-libong Pilipino ang lumahok sa One Billion Rising, isang kampanya para wakasan ang karahasan sa kababaihan sa pamamagitan ng sayaw. Sa Tomas Morato, Quezon City noong Pebrero 14, ginanap ang main rising na inorganisa ng Gabriela, Gabriela Women’s Party, New Voice Company, at iba pang grupo. Dokumentasyon para sa One Billion Rising Philippines ng PinoyMedia […]

Infographic: Price hikes and Privatization

On March 20, various sectors will take to the streets to protest price hikes and privatization policies of the Aquino administration. Find out how exactly how ordinary consumers are burdened with the latest electricity, water, and oil price increases.

Larawan: Noise Barrage, protesta isinagawa ng mga militante vs taas presyo, sigalot sa Sabah

Nag-ingay sa magkakaibang lugar ang mga militante sa Metro Manila bilang paghahanda sa isang “protestang bayan” kontra sa taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo at pribatisasyon sa Marso 20. Ginanap ang noise barrage sa  Batoda Commonwealth Avenue, Philcoa, Sta.Mesa, Edsa North Triangle at sa iba pang lugar. Kinondena rin ng mga militante ang administrasyong Aquino […]

Trahedya ng nakararami

Nakakadurog ng puso ang istorya ni Lorena (di tunay na ngalan): 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at walang-trabahong ina. Matalino, puno ng pag-asa. Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain, iba pang gastusin. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Lorena at napuwersa na siyang mag-leave of absence

Mga progresibo umalma sa panggigipit ng Comelec sa Kabataan, Piston

Muling sinugod ng progresibong mga grupo ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa panggigipit umano nito sa mga party-list na kritikal sa administrasyong Aquino. Balak umanong ipadiskuwalipika ng Comelec ang Kabataan Party-list at Piston Party-list dahil sa paglabag umano sa guidelines sa pangangampanya gaya ng pagdidikit ng posters labas sa common posters […]

Malawakang protesta vs nagtataasang presyo, pribatisasyon ikinasa sa Marso 20

Isang malaking “protestang bayan” ang ikinasa ng iba’t ibang sektoral na mga organisasyon sa Marso 20 para tutulan ang pagtaas ng presyo ng batayang mga serbisyo, produkto at iba pang bayarin na dulot umano ng patakarang pribatisasyon ng gobyerno. Sa isang press conference, sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU),  na tampok […]