Lathalain

‘Pagkulong kay Arroyo dapat matagal nang ginawa’

Ikinatuwa ng militanteng mga organisasyon ang pag-aresto kay Gloria Macapagal Arroyo. Pero, hiling nila sa publiko: dapat maging mapagmatyag. Dapat ding siguruhing masasampahan din siya ng iba pang mabibigat na kaso, mula sa mga paglabag ng kanyang rehimen sa karapatang pantao, hanggang sa pandarambong.

Katotohanan sa harap ng kapangyarihan: Panayam kay Marjohara Tucay, mamamahayag at ‘heckler’ ni Hillary Clinton

Nakita na ito sa Iraq noong 2008, nang minsang binato ng isang mamamahayag na Iraqi ng sapatos si US Pres. George W. Bush. Sa Pilipinas, kung saan masigla ang kultura ng protesta at kilusang masa, may kasaysayan din ng paninindigan at "speaking truth to power" ang mga mamamahayag. Pero hindi ibig sabihi'y hindi na katangi-tangi ang ginawa ng isang campus journalist, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Naging intern din noong nakaraang summer ng Pinoy Weekly si Tucay.

Walang pa ring hustisya sa masaker sa Luisita

Pitong taon matapos ang tinaguriang Hacienda Luisita massacre, wala pa ring hustisyang nakakamit ang pagkamatay ng pitong manggagawang-bukid nang buwagin ng pinagsamang puwersa ng militar at pulis ang kanilang welga noong Nobyembre 16, 2004.