Lathalain

Badyet sa DOH: Kalusugan ng bayan o ng negosyo?

Malumanay na ipinaliwanag ni DOH Sec. Enrique Ona sa budget hearing sa Kamara ang hinihinging badyet ng kanyang kagawaran. Ngunit halos naikubli ng presentasyon ang katotohanang kinakaltasan na naman ng administrasyong Aquino ang badyet sa batayang serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan.

Direktiba ng DFA para sa naiipit na OFWs sa Syria, hinahanap

Hindi lamang pagtataas ng alarm level, kundi kongkretong mga direktiba mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang hinahanap ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa gulo sa Syria. Itinaas na ng DFA ang Alert Level 3 sa Homs, Latakia at Daraa sa Syria, sa gitna ng malawakang crackdown ng gobyerno ng Syria […]

2012 Badyet sa Edukasyon: Kaltas sa SUCs at kakapusan sa DepEd

Ipinagmamalaki ng pangulo na edukasyon pa rin ang makakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng pambansang badyet. Pero kung susuriin, kinakaltasan pa rin ang badyet ng SUCs, habang walang signipikanteng dagdag sa pondo para sa batayang edukasyon.

Migranteng Pinoy, apektado ng global debt crisis

Muling kinuwestiyon ng Migrante International ang pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs), sa gitna ng pandaigdigang debt crisis na inaasahang lubhang makakaapekto sa daloy ng OFW remittances at lalong maglulugmok sa ekonomiya ng bansa. “May dalawang epekto sa OFWs ang debt crisis: ang posibleng malawakang tanggalan sa mga bansang apektado […]

Para sa turista

Daan-daan ang turistang bumibisita araw-araw sa Underground River sa Puerto Princesa City sa Palawan. Isa sa mga nagdadala sa kanila sa naturang lugar ay si Toto, isang boat man at tour guide sa Underground River. Sa tagal niya sa trabahong ito, naging eksperto na rin si Toto sa siyensiya ng mga kuweba, ilog, at iba pa. Kasabay nito, nahasa na rin siya sa pagpapatawa. Pagkatapos ng araw, pagod na pagod si Toto. Sa kabila nito, kumikita lamang siya ng P250 araw-araw. (KR Guda sa Puerto Princesa, Palawan)

CCT, perwisyo, at panlulumo

Ang 1.4 milyong pamilya sa ilalim ng Conditional Cash Transfer program ay ginawa na ring parang mga pulubi—at lalo pa silang dadami, habang patuloy na tinatalikuran ng gobyernong Aquino ang responsabilidad nito sa tunay na kaunlaran.

Reaksiyon sa SONA 2011: Puro ‘wang-wang’

Gaya ng isang 'wang-wang,' puro ingay at walang laman na kongkretong programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, ayon sa mga grupong militante na nagsagawa ng malawakang kilos-protesta kasabay ng SONA.