Lathalain

Video: Estudyante, nag-walkout kontra sa budget cuts sa edukasyon

Bidyo ng walkout ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang kolehiyo at pamantasan sa Kamaynilaan para igiit ang sapat na badyet para sa edukasyon. Anila, patikim lamang ito sa magiging protesta ng kabataan at estudyante sa araw ng State of the Nation Address ni PNoy.

Serbisyong ninenegosyo

Kunyari pagsugpo sa korupsiyon, yunpala pagtupad sa utos ng World Bank at US, ang pakay ni PNoy sa pagsasapribado sa mga ahensiyang dapat naglilingkod sa bayan.

Demolisyon sa lupaing para sa negosyo

Malls, parke, negosyo, sa halip na bahay para sa mahihirap: iyan ang prayoridad ni PNoy, kung kaya panay walis siya sa mga komunidad ng mga maralita.

Debateng RH: Sa likod ng postura ni PNoy

Gusto ni Aquino ang RH Bill dahil paniwala siyang dulot ng paglobo ng populasyon ang kahirapan, hindi para bigyang-akses sa serbisyong pangkalusugan ang mga maralitang kababaihan.

Atake sa pondo sa serbisyo

Habang papalaki ang inilalaan sa pambayad-utang at militar, papaliit naman ang pondong para sa serbisyong panlipunan. Ito ang dikta ng IMF-WB na sinusunod ni PNoy.

Bungkalan muli sa Hacienda Luisita

Patuloy ang paggiit ng mga manggagawang bukid sa kanilang karapatan sa lupain ng asyenda. Ang pinakahuling hakbang: pagbubungkal at pagtanim sa lupang binakuran ng isang bangko na di-makatarungang pinagbentahan ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

Nagwawagi kung sama-sama

Maraming sakripisyo sa pag-oorganisa nina Eva at Gilberto. Pero sa pagkakaisa, walang hindi magagawa.

‘Kawalang hustisya’ sa panahon ni PNoy

Anumang pag-usad ng kaso ng mga paglabag ng karapatang pantao, ito’y dahil sa pagpupursigi ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao. Sabi nila, walang itinutulong ang gobyernong Aquino para maresolbahan ito. Malala pa, ipinagpapatuloy pa ni PNoy ang sa esensiya’y parehong madugong programang kontra-insurhensiya ng nakaraang administrasyon.