Lathalain

Pakikibaka ng mamamayan, mula Europa hanggang Asya

Saan mang panig ng mundo, may mga nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya. Sa ika-4 na asembliya ng International League of People’s Struggles sa Maynila, nagtipun-tipon ang mga mamamayan para ibahagi sa isa’t isa ang sitwasyong nagtutulak ng pag-aalsa sa kanilang mga bansa.

Iba’t ibang tinig sa iisang himig ng pakikibaka

Pagkakaisa laban sa imperyalismo at tiraniya, at para sa karapatan at kaunlaran ng mga mamamayan ng mundo ang nilayong mabuo ng mga aktibista mula sa iba't ibang panig ng daigdig na dumalo sa ikaapat na pandaigdigang asembliya ng International League of Peoples' Struggles o ILPS.

Resolusyon sa Spratlys: Diplomasya, di arogansiya

Probokatibo pa rin ang tindig ng gobyernong US (at siyempre pa, Pilipinas) sa sigalot sa Spratlys, matapos magdaos ng ng ehersisyong nabal sa Palawan, malapit sa mga islang pinag-aagawan. Ayon sa mga eksperto, dapat lamang ipaglaban ang Spratlys. Pero hindi sa aroganteng paraan ng US at ni PNoy.

PNoy ‘bagsak’ sa unang taon sa Palasyo

Sa larangan ng ekonomiya, paggalang sa karapatang pantao, pag-empleyo at makabuluhang dagdag-sahod, industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo -- at iba pang usapin -- bagsak na bagsak si Pang. Benigno Aquino III sa mata ng militanteng mga organisasyon.

AFC Challenge Cup: Pilipinas-Sri Lanka tabla

Dumayo ang Pilipinas Team Azkals sa Sri Lanka upang ipagpatuloy ang pag-usad nila tungo sa hangad na makatuntong sa 2014 World Cup. Ngunit literal na mainit silang tinanggap ng mga hosts sa palaruan nila. Nasa diskomportableng kondisyon ng pambansang koponan para sa football sa kanilang karanasan sa palaruan, nang iulat nila ang pagkaroon ng makahoy […]

Limang taon nang nawawala: Takbo para kina Karen, Sherlyn at iba pang tinortyur

Sa araw na ipinagdiwang ng United Nations ang International Day in Support of Victims of Torture noong Hunyo 26, ginugunita rin ang pagdukot kina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, Manuel Merino, Prudencio Calubid, Celina Palma, Gloria Soco at Ariel Beloy. Sa kaso nina Cadapan, Empeno at Merino, malinaw sa mga testimonya na tinortyur sila. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, malinaw na polisiya pa rin ng militar ang magtortyur.

Sigalot sa Spratlys: Pilipinas, proxy ng US kontra China

Sinasabi ng administrasyong Aquino na pinangangambahan nito ang presensiya ng mga sasakayan ng China sa Spratlys. Pero tila nakakasangkapan lamang ito sa pagtutulak ng US na panatilihin at palakasin ang mga negosyo nito sa Pilipinas at Timog Silangang Asya, at kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa rehiyon.