‘Kawalang hustisya’ sa panahon ni PNoy
Anumang pag-usad ng kaso ng mga paglabag ng karapatang pantao, ito’y dahil sa pagpupursigi ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao. Sabi nila, walang itinutulong ang gobyernong Aquino para maresolbahan ito. Malala pa, ipinagpapatuloy pa ni PNoy ang sa esensiya’y parehong madugong programang kontra-insurhensiya ng nakaraang administrasyon.