El Niño: Dagdag pasakit at kagutuman sa magsasaka at mamamayan
Ngayong Hunyo inaasahang magsisimulang maramdaman ang epekto ng El Niño o matinding tagtuyot sa bansa. Pangunahing apektado ang sektor ng agrikultura, kaya nagangamba ang mga magsasaka na dagdag pasakit ito sa matagal na nilang iniindang kahirapan, lalo na’t walang sapat na paghahanda at pangmatagalang solusyon ang gobyerno para salagin ang epekto ng El Niño.