Opinyon

Disiplina para sa Bisita

Isa sa mga tawag-pansin na salitang tumampok sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ang “disiplina.” Sabi ni Pang. Noynoy Aquino bago dumating ang Santo Papa, “I call on Filipinos to exercise the utmost discipline, in order to ensure that our gatherings are peaceful and orderly.” Sa unang gabi ng pagdating ni Pope Francis, sinabi […]

Matalas na pagbatikos ni Pope Francis sa korupsiyon sa gobyerno

Kumakalat sa social media, pero hindi sa dominanteng midya, ang bidyo ng unang pagtatagpo ni Pope Francis at Pangulong Aquino. Tinagpo ng pangulo ang Santo Papa sa paanan ng hagdan mula sa eroplano sa Villamor Airbase. Kinuha niya ang kamay ni Pope Francis—at hinalikan. Pero sa bidyo, mukhang di sumagi ang labi ni Aquino sa […]

Ang relihiyon nga ba’y ‘opium of the masses’ lang?

Isang linggo bago ang takdang araw ng pagdating ng Santo Papa, na gustong matawag na “Lolo Kiko” ng mga Pilipino, halos higit limang milyong mga deboto ng Nazareno ang dumalo sa taunan nitong prusisyon ng translacion mula Quirino Grandstand hanggang makabalik ito ng simbahan ng Quiapo [1]. Kahit pa tinatayang delikado ito at may mga […]

Welcome, Pope Francis!

Sa Pilipinas lamang marahil nagaganap ang parang piyestang pagsalubong sa isang Santo Papa. Sa kabila ng matagal na paghihintay sa iba’t ibang lokasyon sa ruta na dadaanan ni Pope Francis, ang taumbayan ay di magkamayaw at walang pagsidlan ng tuwa, galak, at excitement sa balitang paparating na ang Papa. Parang hindi man lang sila nakakaramdam […]

Mula kay Allan Popa

Para sa ika-20 labas ng ATTACKK! narito ang akda ni Allan Popa tungkol sa isang tula ni Lamberto Antonio. Isang kolum sa loob ng kolum, masaya iyon, hindi ba? Nakasalubong na ninyo siguro si Allan Popa sa mga makabayang pagkilos. Nakita ko siyang kasama ng mga guro sa Ateneo sa isang pagkilos sa Liwasang Bonifacio. […]

Halaga ng kanyang bisita

Kung mayroon mang pagkakataon sa modernong kasaysayan ng Metro Manila na literal na tumitigil ang halos lahat ng gawain at natipon ang mga tao sa isang lugar, ito’y tuwing bumibisita ang Santo Papa—ang lider ng Simbahang Katoliko. Walang sinabi ang mga panahon ng laban ni Manny Pacquiao. At kahit pa milyon din ang dumadalo sa enggrandeng […]

Natutulog Pa Rin Nazarenong Itim

(para sa nakaugaliang pista ng Nazareno sa Quiapo, Enero 9) ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapo’y kailangang ibenta mo para maibili ng pansit gisado sa restawran ni be ho sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo sa nakaluhod na barungbarong sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo sagana […]

FQS and the continuing tradition of the revolutionary youth

I just finished reading Jose “Pete” F. Lacaba’s Days of Disquiet, Nights of Rage, a chronicle on the First Quarter Storm (FQS) of 1970 which happens to be 45 years old this 2015. I had been looking for a copy of the book before but unlucky to find one. A colleague was able to find an […]

Fernandina

(Alay sa makulay na alaala ni Ka Lorena Barros na nakasama namin noong 1969 sa UP Writers Workshop sa Iloilo, sumapi sa Malayang Kilusan ng Kababaihan o MAKIBAKA, namundok sa panahon ng diktadura, at napatay sa isang engkuwentro habang pinatatakas ang nakubkob na mga kasama) nilanggam namutla mo nang mukha fernandina habang nakatimbuwang sa masukal […]