Opinyon
Sa panahon ng kalamidad: Bakit ganito sila?
"What is it about capitalism and its obsession with profit that makes people lose their humanity? " ?Ito ang tanong ni Prop. Judy Taguiwalo, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at aktibista, bilang reaksiyon sa kumalat na imahe ng mensahe ng isang kompanya ng ?business process outsourcing ?(BPO) na nakabase sa Estados Unidos (US). Sa mensaheng ito, inuutusan ng kompanya ang mga empleyado nitong ?call center agents? sa Manila na pumasok sa opisina -- sa kabila ng utos ng pamahalaan na ikansela ng pribadong mga kompanya ang pasok sa trabaho, at sa kabila ng malaganap na pagbaha sa buong Kamaynilaan.
Naririnig Ko Ang Iyong Panambitan
naririnig ko ang iyong panambitan / la tierra pobreza / lupain ng dalita’t dusa / lupaing tinigmak ng dugo / ng mandirigma ng masa
Malaya pero Hindi?
Matagal nang nagpapakilalang “independyenteng manunuring pampulitika” si Mon Casiple. Ang totoo, ayon sa mga matagal nang aktibista, kapanalig siya ng Akbayan, na alyado ni Pang. Noynoy Aquino. Kung malabo man ang mga ebidensyang pang-organisasyon, malinaw naman ang mga ebidensyang pampulitika. Lalo na ngayon, sa pagsusuri niya sa paglaya ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa hospital arrest nito
Freedom of Information Issues and Concerns
These are misplaced fears based first of all on a secrecy mindset that deny the fundamental right of the citizenry to knowledge of government transactions, decision-making, and policy. They also ignore the crucial role an informed citizenry can and has played in exposing corruption and bringing its sovereign power to bear on eliminating or at least minimizing it
Maita Mia
Nakilala niya si Maita Gomez sa konteksto ng hindi pagkakasundo, sa maagang bahagi ng 2006. May hindi ito nagustuhan sa isang ginawa ng mga aktibista. Kinausap niya si Maita para magpaliwanag. At dahil kilala si Maita na prangka at hindi mahilig makipagbolahan, sinabi niyang mas malamang ay uulitin ang naturang ginawa, hindi man sang-ayon ang kausap. Siguro, nagustuhan ni Maita ang katapatan, ang palagay na mauunawaan niya, ang hindi pagmenos sa kakayahan niyang maintindihan. Doon nagsimula ang malapit na pagkakaibigan hanggang namatay si Maita nitong 12 Hulyo
Di Ako Naiinip
di ako naiinip / hanggang sumisikdo ang puso / hanggang kumikiwal ang dugo
Kalunus-lunos na estado
Walang dapat na ipagmalaki si Aquino pagsapit ng araw ng SONA.Tiyak na papaunti na ang naniniwala sa kanyang paghahambog. Ramdam ng mga mamamayan ang paghihirap at pagsasamantala sa kanila ng iilang kinikilingan ni Aquino. Ito ang pinakamalakas na testamento ng kalunus-lunos na State of the Nation ng Pilipinas
Usok
Sa pagitan / ng naghilerang mga patak / ng ambon / ay sampaguita / kundi man dahon / ng sambong
Maita (Ka Dolor) Gomez
nang sumilakbo sa iyong ugat / dugo ng mga sawimpalad / at dumagundong sa iyong puso / hagulhol ng mga dukha / tinalikuran mo, maita, / tanghalan ng balatkayo