Opinyon

Masamang pangitain

Una nang lumutang ang posibilidad na tumakbo si Gloria Arroyo bilang kongresista, na para sa kanyang mga kritiko ay pamamaraan upang makaligtas siya sa pananagot sa kanyang mga pagkakasala sa taumbayan. Nito namang huli ay napabalita na maaari din siyang tumakbo bilang bise-presidente ni Gilbert Teodoro. Pero anumang palipad-hangin tungkol sa muli niyang pagtakbo ay masamang pangitain sa taumbayan na sa kanya'y matagal nang nasusuklam.

Ang doktrina ng “strained relations”

Sa  ilalim ng batas,  ang  isang manggagawa na napatunayang  ilegal na tinanggal ng kompanya  sa kanyang trabaho ay may karapatang bumalik dito.  Ngunit may pagkakataon minsan na hindi na siya naibabalik sa kanyang trabaho kundi binabayaran na lamang ng kanyang separation pay. Halimbawa, kapag ang ang mangggawa ay umuukupa ng posisyong nangangailangan ng malaking pagtitiwala […]

Politikal na persekusyon sa UP

Sa isang makapal na sulat noong Oktubre 28, 2009, ibinaba ni Chancellor Sergio Cao ang desisyon sa apila ng tenure ni Prof. Sarah Raymundo.  Denied.  Sa usaping akademiko, hindi kasing galing ng taga-College of Science na umapila rin at mayroong 23 artikulo sa ISI-indexed journals si Prof. Raymundo. Sa iba pang panuntunan para sa tenure—“professional […]

Masaker, peryodismo at aktibismo

Normal ang magulat at magalit, ang tumangis at mainis, ang magduda’t mag-alala. Bahagi ang mga ito ng ating pagkatao at huwag mong isiping kailangang mawala ang ating pakiramdam para maging obhetibo sa pag-uulat. Kung interesado kang maging peryodista, ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23 ay patunay sa klase ng pagpapahalaga ng mga nasa […]

Isa munang (patagong) patalastas… (Huli sa ikalawang bahagi)

Patagong ginagawa pero halatang-halata. Ito ba’y pandarayang dapat kondenahin o kalakarang dapat tanggapin? Sadyang mapanlikha ang mga tao sa likod ng patalastas. Para makapagbenta ng produkto o serbisyo, gumagawa sila ng mga patalastas na nagbibigay-aliw. Saklaw ng maraming patalastas ang mga popular na tema ng isang kuwento – komedya, trahedya, aksyon, pantasya, pag-ibig. Tulad ng […]

Emo, New Moon at mga nilalang ng kapital

Kataka-taka ang bigat ng trafik noong Biernes, 20 Nobyembre 2009.  Hindi naman pay day, pero ang daming sasakyan sa SM North at Trinoma.  At kahit pay day pa, hindi naman ganito kabigat ang trafik.  Natuklasan na lang namin ni Sarah na opening day pala ng New Moon, ang franchise na nobela at pelikulang kinahuhumalingan ng […]

Pagsiyasat sa inilalakong ‘pagbabago’

Kung may malinaw na pulso ng bayan sa di-makakailang pagpasok ngayon sa panahon ng halalan, ito ang galak sa napipintong pagwawakas ng siyam-na-taong tiraniya at kahirapan na dinanas ng mamamayan sa ilalim ng administrasyon Arroyo, at ang nailuwal nitong mithiin para sa “pagbabago.”

Isa munang (patagong) patalastas…

(Una sa dalawang bahagi) DAEJEON, Timog Korea – Hayaan mong magsimula ako sa isang pag-amin: Wala ako sa Pilipinas kaya hindi ko alam kung gaano karaming espasyo o airtime ang ibinibigay sa mga patalastas ng mga personalidad na tatakbo o may planong tumakbo sa darating na halalan. Hindi ako madalas makapanood ng live streaming ng […]