Opinyon

Pagbaha ng Trahedya

Sinabi ni Karl Marx: History repeats itself, first as tragedy, second as farce. At ngayon, naulit muli ang trahedya na dulot ng baha at bagyo: dinaig ni Bagyong Sendong ang pinsala na dulot ng Bagyong Ondoy (Ketsana): mahigit 1,000 kumpara sa 747 na naitalang patay noong 2009.

Krismas Wish ng Kapatid ni Kris

Nobyembre pa lang, may Christmas wish na si Pang. Noynoy Aquino: ang itigil ng mga tao ang inggit at ang kaliwa’t kanang pagpuna, at sa halip ay magtulungan at kalingain ang isa’t isa. Aniya, si Santa Claus ay “isang personipikasyon ng… pinakamahusay sa mga tao, ang ideya ng pagiging mapagbigay.” Ang kailangan daw ay “itransporma ang ating sarili sa kung paano makakatulong sa ating mga kapit-bahay... o kahit sino, kahit iyung hindi natin kilala.” Kailangan daw payabungin ang “ideya ng pagkalinga sa lahat.”

Kampuhan ay Makatwiran

Sabi ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo, gaya-gaya lang ang mga nagtangkang magprotesta sa Mendiola nitong mga unang araw ng Disyembre. Tinutukoy niya ang mga kalahok sa “Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan,” na hindi natuloy sa Mendiola dahil sa pandarahas ng pulisya.

Kabilang sa mga Nawawala (5)

Marami na ngang nawala sa akin. Drowing, kwaderno, panyo. Script, magasin, medyas. Tape, libro, t-shirt. Marami pa. Pero walang problema. Hindi naman ninakaw sa akin ang mga iyon. Leksyon na nga lamang ito marahil sa kung paano pangingibabawan ang pana-panahong pagiging burara.

Bagong bayani

Nakatakdang bitayin sa darating na ika-8 ng Disyembre ang isa na namang Pilipino sa Tsina.  Sinasabing may dalang 1.495 kilograms ng heroin galing Malaysia nang mahuli ito noong September 13, 2008 sa Guilin International Airport. Habang tanging pagkabahala lamang sa lumalaking bilang ng mga nagiging drug mule ang kayang gawin ng gobyerno, nananatili namang kapos […]

Kabilang sa mga Nawawala (4)

Marami pa sana akong gustong sabihin dito tungkol sa paksa ng eksena, tungkol sa punk, tungkol sa rakenrol, tungkol kay Ely, tungkol kay Dong at iba pa – pero saka na lang. Huli na lang kaugnay nito: Isang beses ay nakasama ko sa Berouz ang buong Eraserheads, si Ann Angala (ang kanilang manager) at at si Chickoy Pura.

Huwag Maging Drug Mule

Dapat masulat ito sa mga libro ng kasaysayan: nanawagan si Pang. Noynoy Aquino sa mga Pilipino na huwag maging drug mule. Mahigpit ang batas ng Tsina kontra rito, aniya. Bumubuti na rin ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa, dagdag pa niya. Sa kabilang banda, sabi pa niya, isang pandaigdigang problema rin talaga ang droga.

Sulat kay Bibeth Orteza

Nung isang araw ko lang natanggap ang sulat n’yo. Nabasa rin ito ng mga kaselda at nakaabot pa nga sa at least dalawa pang selda. Kung na-touch ang mga kakosa, paano pa kaya ako? Damo nga salamat ngan damo pa lewat nga salamat!

One Percent

May dalawang malaking hamon ang protestang Occupy sa US sa ating mga Pilipino. Una, ang magprotesta nang maramihan laban sa tumitinding kahirapan, kagutuman at kawalan ng pagkakapantay-pantay – ang kagyat na nararamdamang epekto ng krisis pang-ekonomiya. Ikalawa, ang magprotesta laban sa tinatawag na “1%” – na ang totoo’y mas kaunti pa sa one percent – ng US, bukod pa sa 1% na mga naghaharing uri sa bansa.

Kung bakit di niya pinulot ang bata

Una sa lahat, maaaring hindi tayo magugulat sa larawang ito: batang Sudanese na gumagapang sa lupa patungo sa isang feeding station ng UN noong Marso 1993. Sa likod niya, isang buwitre, naghahandang sagpangin ang bata. Pamilyar na kasi tayo sa larawang ito. Baka hindi ang eksaktong larawang ito, pero katulad nito: Larawan ng gutom at desperasyon sa Aprika.