Opinyon

Ang paglilitis kay Chief Justice Corona: Para kanino?

Nakapako ang paningin ng buong sambayanan ngayon sa nangyayaring impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Para itong telenobelang pinagtuunan ng pansin ng publiko. Sari-saring kuro-kuro ang maririnig natin sa paglilitis na ito. Hindi ring maiwasang ipaghambing ng taong-bayan kung sino ba ang mas magaling sa mga personaheng sangkot sa impeachment trial.

Suring-Global: Bagong sanction sa Iran, atbp.

Napipinto ang embargo ng European Union (EU) sa mga produktong petrolyo ng Iran kaugnay ng nuclear program ng naturang bansa. Tantiyado na lulumpuhin nito ang ekonomiya ng Iran dahil EU ang pangalawang pinakamalaking importer ng Iranian crude kasunod ng China. Nauna na ritong nagpahayag ng embargo ang US noong Enero 1, 2012.

Replay: Pagkilos ng kabataan at mamamayan noong 2011 sa saliw ng pop songs

Parang bonggang “baby you’re a firework” ang naging mga pagkilos ng kabataan at mamamayan para sa pagbabago noong nagdaang taon. Habang “everyday I’m shufflin’” at nagkakandarapa ang hikahos na mamamayan, today “I feel like not doing anything” ang Malakanyang sa mga hinaing ng bayan. Kaya naman sawang-sawa na sila na “just the way you are” lang ang mga bagay at dumagundong ng “boomburumbumum” ang mga protesta.

40% Hanap-seks

Sumikat, lalo na sa Internet, ang “It’s more fun in the Philippines,” ang bagong islogang panturismo ng gobyernong Aquino. Tama si Katrina Stuart-Santiago: pinagkatuwaan ang islogan pero hindi gaanong nakwestyon ang pinagmumulan nito – ang patakaran ng gobyerno na ibayong palakasin ang turismo sa bansa. Kung titingnan nga ang Philippine Labor and Employment Plan ng gobyernong Aquino para sa 2011-2016, nangunguna ang turismo sa itinuturing nitong dapat palakasin para makapagparami ng may-trabaho.

Hunger Strike Letters

Binabati ko kayo at nakikiisa rin sa inyong hunger strike at iba pang kaugnay na mga aktibidad sa panahon ng International Day of Solidarity for Political Prisoners hanggang sa International Human Rights Day. Matagumpay ninyo itong naisagawa sa kabila ng mga pagbabanta sa inyo ng mga awtoridad. Sa inyo ang paghanga ko at pagsaludo sa ipinapakita ninyong tapang at giting.

Tsansa ng Tsina

Sa mga kasaysayan ng neoliberalismo, na kinikilalang naging tampok na pwersang pampulitika sa mundo noong huling bahagi ng dekada ’70 at maagang bahagi ng dekada ’80, madalas na ang tinutukoy na mga lider-pasimuno ay sina Ronald Reagan ng US at Margaret Thatcher ng Britanya. May mahalagang dagdag si David Harvey, Marxistang intelektwal: si Deng Xiaoping ng Tsina.

Segunda Mano, Segunda Klase

Kung hindi ako nagkakamali, madalas na may lahok na pelikulang katatakutan o horror sa taunang Metro Manila Film Festival. Higit pa siguro sa usapin ng paghahain ng de-kalidad na sine, na umano’y dahilan ng MMFF, kumikita ang ganitong mga pelikula. Sa hirap ng buhay, tiyak na magtatatlong-isip ang kahit sino na maglabas ng P180 para lang manood sa sinehan – kumpara sa di-hamak na mas murang DVD. Pero may pang-akit ang panonood ng katatakutan sa mismong sinehan, dahil swak ang dilim at buong sitwasyon at sensasyon sa ganitong palabas.

Sendong

Mga tulang alay sa mga biktima ng bagyong Sendong at ng sistemang pinalalamon ng kasakiman ng iilan lamang sa sanlaksang nabibilang sa ating lipunan.