Opinyon

Ang tunay na laban sa boksing

Palaging naihahalintulad ang propesyunal na laro ng boksing sa labanan ng mga gladiator noong panahon ng imperyo ng Roma. Sa labanan ng mga gladiator, gustong ipamalas ng imperyo kung paano dapat lumaban – at mamatay, nang may “dangal.” Nagsisilbing ehemplo ang mga gladiator para sa mga sundalo at mamamayan ng Roma kung papaano maglingkod sa imperyo at lumaban.

Kabilang sa mga Nawawala (3)

Taong 1990, second year college ako , nakipag-jamming ako sa banda nina J Gatmaitan at Peter S. Laking-Japan si J at si Peter ay kaklase ko mula 2nd year hanggang 4th year high school.

Dani Misalucha

Ganyan kung tawagin ng mga kaibigan at kasama niya si Daniel C. Imperial, Jr., 29, aktibistang mula sa College of Music sa Unibersidad ng Pilipinas–Diliman na naging kasapi ng New People’s Army at napatay sa pagsalakay ng militar nitong 27 Oktubre sa Cagayan Valley.

Parada ng Praning

The way Ka Jun explained all this to me, however, in a language so concise and unaffected, in effect trying to tell me how my very first appearance in court – stirred up as I already was about the whole thing – could very well turn out to be just as uncomplicated and uneventfully brief after all.

Occupy Movement

Nakikisanib din ang mga makata ng Kilometer 64 Poetry Collective sa Occupy Movement upang maipakita ang pakikiisa ng pangkat sa layunin nilang gisingin ang mga natutulog at nagtutulog-tulugan sa ating pamahalaan.

Giyera, mula sa kalangitan

Sa kalangitan, daan-daang metro ang layo mula sa lupain, kakaiba ang karanasang makita ang mushroom cloud na nalilikha ng pagbagsak at pagsabog ng bomba na nilaglag mula sa eroplano. Di tulad ng mga sundalo sa ibaba, na harap-harapan ang pakikidigma at pagpatay sa kaaway, malayo sa aktuwal na karahasan ang mga piloto ng mga eroplanong pangmilitar.

Prospek ng Occupy sa Pilipinas

Marami sa mga progresibo ang katulad ngayon ni Prop. Leonor Magtolis-Briones ng Unibersidad ng Pilipinas: nagmumuni tungkol sa posibilidad ng pagputok ng protestang Occupy sa bansa. Halata ang simpatya niya sa pagkakaroon ng lokal na kaakibat – higit pa sa lokal na bersyon – ng ganitong protesta sa mundo. Sa isang banda, nakilala siya bilang isa sa mga lider-estudyante na nagsalaksak ng trak ng bumbero sa tarangkahan ng Malakanyang noong Sigwa ng Unang Kwarto. Anu’t anuman, heto ang ilang ambag ko sa mga umiinog na talakayan hinggil sa prospek ng protestang Occupy sa ating bansa.

Kabilang sa mga Nawawala (2)

Pagkatapos ng unang taon sa kolehiyo, pumasok ako isang tag-araw sa isang palihan sa pagsulat ng dula sa ilalim ng yumaong Rene Villanueva sa CCP. Apat o lima lang yata kaming nagsanay sa batch na iyon, malayung-malayo sa bilang ng sinundang batch na kinabilangan nina Capino, Lana, at Martinez.