‘Merika is in the Heart
Walong taong nawala sa sirkulasyon at nanirahan ang Superstar na si Nora Aunor sa US. Kaya ganoon na lamang ang pananabik sa pagbalik niya, hindi lamang ng mga masusugid niyang tagahanga, ngunit maging ng buong showbiz industry at ng mga tagasubaybay nito. Ngunit panandalian lamang daw ang pagbabalik-Pinas ni Ate Guy. Aniya, tatapusin lamang niya ang mga proyekto niya sa Pilipinas at babalik din agad daw siya sa Amerika.