Opinyon

Sulat para kay Eduardo Sarmiento

Noong Mayo, niregaluhan ako ng isang matalik na kaibigan. Hindi naman niya talaga sinabing regalo nga niya sa akin ang ipinadalang envelope na naglalaman ng mga tula. Pero dahil ilang araw na lang ay kaarawan ko na noon, hinayaan ko ang isang kapritso at idineklara ito bilang isang pambihirang birthday gift.

Sulat para kay Alan Jazmines

Masasabing magkaugnay ang mga pangyayari sa ating pagkadakip dahil sa magkasunod itong naganap – Pebrero 13 ako at kayo ay Pebrero 14. Nalaman ko ang tungkol sa pagkahuli ninyo noong madaling araw ng Pebrero 15, sa gitna ng interogasyon sa akin ng militar. Ibinulalas ito ng isang interogador at noong mga sandaling iyon, pinaghinalaan ko pa na gawa-gawa lang niya ito para guluhin ang isip ko, o bilang pang-“bluff” lang sa akin.

Tatlong Tula ni Alexander Remollino

Huwag sanang tulutan ng tadhana / na ako’y lisanin mo sa gitna ng digma. / Ikaw ay masong magagamit / sa pagpapanday ng isang bayan / kung saan walang taong parang asong nakagapos / habang hinihimod ang paa ng kung sino, / kung saan ang mga tao

Dogmatikong Neoliberal

Ano kayang pumasok sa kukote ng mga tagapayo ng gobyernong Aquino at sunud-sunod nilang ipinapatupad ang mga patakarang lalong nagpapahirap sa mga mamamayan? Kahit ang posibilidad na magdudulot ang mga hakbanging ito ng malawak at matitinding protesta, parang hindi nila alintana.

Armadong Allende

Bago naganap ang karumaldumal na krimen sa sangkatauhan noong Setyembre 11, 2001, naganap muna ito: Ang karumaldumal na krimen sa sambayanan ng bansang Chile, noong 1973.

‘Merika is in the Heart

Walong taong nawala sa sirkulasyon at nanirahan ang Superstar na si Nora Aunor sa US. Kaya ganoon na lamang ang pananabik sa pagbalik niya, hindi lamang ng mga masusugid niyang tagahanga, ngunit maging ng buong showbiz industry at ng mga tagasubaybay nito. Ngunit panandalian lamang daw ang pagbabalik-Pinas ni Ate Guy. Aniya, tatapusin lamang niya ang mga proyekto niya sa Pilipinas at babalik din agad daw siya sa Amerika.

Sulat para kay Leonilo Doloricon

Sa pagitan ng kalat-kalat na mga ideya at marurusing na tala’t drowing sa mga notbuk ko’t hiwa-hiwalay na papel, kinukuha ko ang patlang at pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat-lahat ng inyong suporta. Maaring sabihin na natural na lang para sa atin ang magtulungan pagkat personal tayong magkakakilala, at sadyang nagkukurus ang mga landas bilang mga artista at aktibista.

Isang Kutsaritang Luha

di ko maiiwasang alayan ka / ng isang kutsaritang luha / nang yakapin ka / ng amarilyo’t mahamog na damo / koro lamang ng mga kuliglig / musikang naghatid / sa himlayang dibdib / ng katawang-lupang / nagtigis ng dugo sa pakikibaka / upang maisulong adhika ng masa.

BBB

Bugbog, bato, at basa: ito ang sumalubong sa mga estudyante, kabataan, guro, kababaihan, manggagawang pangkalusugan, migrante, at maralitang lungsod na nagmartsa papuntang Kongreso nung nakaraang Augusto 25. Nananawagan sila laban sa isang 'B' (budget cut sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan) subalit ang binanggit na tatlong 'B' ang ibinigay sa kanila.

Di Kayo Desaparecidos

di kayo desaparecidos di kayo nawawala kayong nilamon ng lupa kayong mga katawa’y nilapa kayong kalamna’y ipinataba sa damong ligaw at makahiya di kayo nawawala